INIANGAT ng Los Angeles Clippers ang kanilang home record sa 20-8 ngayong season kasunod ng 113-103 panalo kontra Phoenix Suns sa duelo ng second- at third-place teams sa Western Conference standings noong Huwebes.
Sa ikalawang sunod na laro ay sumandal ang Clippers sa maiinit na kamay ni star Paul George. Dalawang gabi makaraang magbuhos ng 36 points sa panalo laban sa Portland Trail Blazers, kumamada si George ng 33 points. Ang kanyang 12-of-19 shooting ay kinabilangan ng 7-of-9 mula sa 3-point range.
Nahaharap sa 8-point deficit sa kalagitnaan ng second quarter, bumanat ang Suns ng 22-12 run upang kunin ang 56-54 bentahe sa halftime.
Naisalpak ng Clippers, nagtala ng 18 of 37 (48.6 percent) sa 3-point attempts, ang 4 of 8 mula sa long range sa third quarter at umabante sa 83-81 papasok sa fourth quarter. Ang Phoenix ay 0 of 8 sa 3-point area sa third.
Pinalobo ng Los Angeles ang kalamangan sa hanggang 16 sa final quarter at hindi na lumingon pa.
JAZZ 122,
BLAZERS 103
Tumirada si Donovan Mitchell ng 37 points at nagposte si Rudy Gobert ng 18-point, 20-rebound double-double upang bitbitin ang Utah Jazz sa 122-103 panalo laban sa Portland Trail Blazers.
Sa panalo ay naputol ang two-game losing streak ng Jazz — kontra Dallas at Phoenix— at nakopo ang ika-23 sunod na panalo sa Vivint Arena.
Apat pang Jazz players ang nagtala ng double figures—Joe Ingles (13), Mike Conley at Bojan Bogdanovic (11), at Georges Niang (10).
Nanguna si Damian Lillard para sa Portland na may 23 points at nagdagdag si CJ McCollum ng 19, ngunit nalasap ng Blazers ang ikatlong pagkatalo sa apat na laro matapos ang disastrous seven-minute spurt sa kalagitnaan ng second half.
HEAT 110,
LAKERS 104
Umiskor si Jimmy Butler ng game-high-tying 28 points upang pangunahan ang host Miami Heat sa 110-104 panalo laban sa kulang sa players na Los Angeles Lakers.
Nakakuha rin ang Miami ng 18 points mula kay Victor Oladipo, na dinaklot ang kanyang kanang tuhod matapos ang isang dunk, may 5:35 ang nalalabi sa laro. Agad siyang nagtungo sa locker room at hindi na bumalik.
Tumipa si Heat guard Tyler Herro, naglaro na may iniindang injury sa paa, ng 15 points.
Nagbida si Kentavious Caldwell-Pope para sa Lakers na may season-high 28 points, ngunit namayani ang Miami dahil may karagdagan itong 8 points mula sa turnovers.
Nagbalik si Andre Drummond para sa Lakers makaraang lumiban sa nakalipas na tatlong laro dahil sa toe injury. Nakalikom siya ng 15 points at 12 rebounds. Nagdagdag si Guard Dennis Schroder ng 10 points at game-high 14 assists para sa Lakers.
MAVERICKS 116,
BUCKS 101
Nagsalansan si Luka Doncic ng 27 points, 9 rebounds at 8 assists upang tulungan ang Dallas Mavericks sa 116-101 home win kontra Milwaukee Bucks.
Nagdagdag si Kristaps Porzingis ng 26 points at 17 rebounds para sa Mavericks na nanalo sa ika-6 na pagkakataon sa huling pitong laro.
Naglaro ang Bucks na wala sina two-time reigning MVP Giannis Antetokounmpo (knee) para sa ika-3 sunod na laro at ika-5 sa huling 10 laro.
Kumamada si Donte DiVincenzo ng career best six 3-pointers at umiskor ng 22 points habang nagposte si Bobby Portis ng 20 points at season-high 14 rebounds para sa Bucks. Nag-ambag sina Brook Lopez ng 16 points at Khris Middleton ng 14 points at 8 rebounds sa kabilang ng pagbuslo ng 6 of 27 lamang mula sa field.
BULLS 122,
RAPTORS 113
Humataw sina Lauri Markkanen, Coby White at Daniel Theis ng double-figure scoring performance mula sa bench nang gapiin ng Chicago Bulls ang short-handed Toronto Raptors, 122-113, sa Tampa, Florida.
Pinangunahan nina starters Zach LaVine at Nikola Vucevic ang pitong Bulls sa double figures na may tig-22 points at nalasap ng Chicago ang ikatlong sunod na panalo.
Nakumpleto ni LaVine ang double-double na may game-high 13 assists para sa Bulls, na sinimulan ang kanilang trip sa pamamagitan ng 113-97 panalo laban sa Indiana.
312970 952144I like this site very much, Its a rattling nice location to read and get info . 259500