SUNS PINALUBOG NG NETS

nets vs suns

NAGBUHOS si James Harden ng 38 points na may kasamang 11 assists, nagdagdag si Joe Harris ng 22 points at binura ng short-handed Brooklyn Nets ang 24-point deficit upang iposte ang 128-124 road victory kontra Phoenix Suns noong Martes (oras sa US).

Ang 21-point, second-half comeback ang pinakamalaki para sa Nets magmula nang lumahok sila sa NBA noong 1976-77 season.

Umiskor si Jeff Green ng 18 points mula sa bench para sa Brooklyn at nagdagdag si Tyler Johnson ng 17 sa kanyang unang start sa season.

Nakopo ng Nets, na naglaro na wala sina Kyrie Irving at Kevin Durant, ang ika-4 na sunod na panalo. Si Irving ay nagpapagaling sa sore lower back habang sj Durant ay may iniindang mild hamstring injury.

Naitala ni Chris Paul ang 17 sa kanyang 29 points sa  fourth quarter at nagdagdag si Devin Booker ng 22 points af 7 assists para sa Suns na nagwakas ang season-best winning streak sa anim na laro.

LAKERS 112,

TIMBERWOLVES 104

Kumamada si LeBron James ng 30 points, 13 rebounds at 7 assists upang pangunahan ang Los Angeles Lakers sa 112-104 road victory kontra Minnesota Timberwolves.

Nagwagi ang Lakers, isa sa pinakamahusay na road teams sa liga ngayong season, sa ika-13 pagkakataon sa 16 games sa labas ng L.A. at nanalo sa ika-8 pagkakataon sa nakalipas na siyam na laro sa kabuuan.

Naglaro na wala si Anthony Davis, inaasahang mawawala ng ilang linggo makaraang ma-strain ang kanyang right Achilles, ang Lakers ay naghabol sa 81-77, may 1:56 ang nalalabi sa third quarter.

Sinindihan ni James ang 26-8 surge na nakatulong para buksan ng Lakers ang 14-point lead sa final quarter at naging matatag pa-ra maitakas ang panalo.

RAPTORS 124,

BUCKS 113

Tumipa si Fred VanVleet ng 33 points at nagdagdag ng 7 assists nang gapiin ng bisitang Toronto Raptors ang Milwaukee Bucks, 124-113, sa opener ng two-game set.

Ipinalasap ng Raptors, na natalo ng dalawang sunod, sa Bucks ang kanilang ika-4 na sunod na pagkabigo.

Umiskor si Kyle Lowry ng 18 points para sa Toronto bago lumabas at hindi na ipinasok pa dahil sa left ankle injury, may 8:42 ang nalalabi sa third quarter. Inilabas din siya sa first half ngunit bumalik sa third quarter.

PELICANS 144,

GRIZZLIES 113

Humataw si Zion Williamson ng 31 points upang pangunahan ang New Orleans Pelicans sa 144-113 pagdurog sa Memphis Griz-zlies.

Umiskor si Josh Hart ng season-high 27 mula sa bench at nag-ambag si Willy Hernangomez ng 14 para sa Pelicans na ang mga reserve ay na-outscore ang sa  Grizzlies, 57-30, at ang lahat ng 13 Pelicans na naglaro ay umiskor. Gumawa si Brandon Ingram ng 22 at nakalikom si Lonzo Ball ng 13.

Ginapi ng New Orleans, na namayani sa bisitang   Memphis, 118-109, noong Feb. 6, ang Grizzlies sa ika-5 sunod na pagkakataon sa nakalipas na dalawang seasons.

Tumapos si Ja Morant na may 28 points at nagdagdag sina Kyle Anderson ng 19, Dillon Brooks ng 18 at Jonas Valanciunas ng 10 para sa Grizzlies.

Sa iba pang laro ay iginupo ng Portland Trail Blazers ang  host Oklahoma City Thunder, 115-104, at pinapak ng Boston Celtics ang Denver Nuggets, 112-99.

Comments are closed.