SUNS PINASO ANG PACERS

NAGBUHOS si Mikal Bridges ng 23 points at nagdagdag si Bismack Biyombo ng 21 points na may 13 rebounds upang tulungan ang Phoenix Suns na palawigin ang kanilang winning streak sa anim na laro sa pamamagitan ng  13-103 panalo laban sa bisitang Indiana Pacers.

Tumipa si Chris Paul ng 18 points na may 16 assists para sa Suns na nanalo sa ika-9 na pagkakataon sa kanilang huling 10 games sa kanilang pagbabalik sa home mula sa perfect five-game road trip.

Nagwagi ang Phoenix sa isang off-night para kay leading scorer Devin Booker, na tumapos na may 11 points habang bumuslo ng 5 of 23 mula sa field.

Umiskor sina Chris Duarte at Lance Stephenson na may tig-17 points para sa Pacers at nagdagdag si Goga Bitadze ng16 at 11 rebounds, subalit hindi napantayan ng Pacers ang kanilang ipinamalas noong Huwebes sa panalo sa Golden State.

Naglaro ang Indiana na wala sina starters Caris LeVert (calf), Malcolm Brogdon (Achilles) at Domantas Sabonis (ankle) para sa ikalawang sunod na laro.

Nangunguna si Sabonis sa Pacers na may 19.0 points per game, habang pumapangalawa si Brogdon (18.5) at pangatlo si LeVert  (18.4).

Kumubra si Jeremy Lamb ng 14 points para sa Pacers, na naputol ang  two-game winning streak. Ito ang unang pagkakataon na nanalo ang Indiana ng dalawang sunod magmula nang magwagi ng tatlong sunod noong Dec. 6-10.

CAVALIERS 94,

THUNDER 87

Tumirada si Darius Garland ng 23 points at 11 assists upang pangunahan ang host Cleveland Cavaliers sa 94-87 panalo kontra Oklahoma City Thunder.

Tumapos si Garland na may 20 points at 10 assists sa apat na sunod na laro.

Nagdagdag si rookie Evan Mobley ng 15 points at season-high 17 rebounds para sa Cleveland na nagwagi sa ika-6 na pagkakataon sa pitong laro. Nag-ambag si Jarrett Allen ng 14 points at 13 rebounds.

BUCKS 133,

KINGS 127

Kumana si Khris Middleton ng 34 points at nagdagdag si Jrue Holiday ng 26 nang payukuin ng Milwaukee Bucks ang bisitang Sacramento Kings.

Pinanatiling buhay ng All-Star duo ang win streak ng Bucks habang naka-sideline si Giannis Antetokounmpo dahil sa sore knee. Tumapos si Middleton na may 12-of-20 shooting at nagtala si Holiday ng 10-for-20 mula sa field.

Nag-ambag si Donte DiVincenzo ng 20 points mula sa bench, kumubra si George Hill ng 17 at nakakolekta si Pat Connaughton ng 15.