NAGBUHOS si Kevin Durant ng 38 points at isinalpak ang late clutch 3-pointer upang tulungan ang Phoenix Suns na pataubin ang Utah Jazz, 131-128, nitong Biyernes sa Salt Lake City.
Naipasok ni Durant, na ang tres, may 18 segundo ang nalalabi, ay nagbigay sa Suns ng apat na puntos na kalamangan, ang 15 sa 22 shots habang humugot ng 9 rebounds at nagbigay ng 9 assists.
Umangat ang Phoenix sa 1-1 sa West Group A ng NBA in-season tournament, habang nahulog ang Utah sa 2-1.
Nagdagdag si Devin Booker ng 24 points at career-high 15 assists para sa Suns, na nakopo ang ikalawang sunod na panalo.
Nagsalpak si Jordan Clarkson ng limang 3-pointers at umiskor ng 37 points, nag-ambag si John Collins ng 15 points at 14 rebounds at kumamada si Lauri Markkanen ng 21 points para sa Jazz.
Natalo ang Utah sa kabila na lumamang ng anim sa third quarter makaraang maghabol ng 14 points sa first quarter.
Lakers 107,
Blazers 95
Nagposte si LeBron James ng 35 points at 9 assists upang pangunahan ang Los Angeles Lakers sa panalo kontra host Portland Trail Blazers.
Tumipa si Anthony Davis ng 16 points at 14 rebounds at nagdagdag si D’Angelo Russell ng 14 points at 6 assists para sa Lakers. Nakalikom sina Taurean Prince at Christian Wood ng tig-10 points para sa Los Angeles na nanalo sa ika-4 na pagkakataon sa limang laro.
Gumawa si Jerami Grant ng 24 points para sa Trail Blazers, na natalo ng anim na sunod. Tumapos si Deandre Ayton na may 17 points at 12 rebounds, at nagdagdag si Shaedon Sharpe ng 17 points at 9 rebounds ngunit gumawa rin ng career-worst 10 turnovers.
Kumabig si Skylar Mays ng 15 points at 8 assists, at nakakolekta si Toumani Camara ng 10 points para sa Portland.
Umangat ang Lakers sa 3-0 sa West Group A play ng in-season tournament.
Ang Trail Blazers ay 1-2 sa Group A play. Sa ika-4 na sunod na game ay hindi naglaro si Malcolm Brogdon (hamstring) para sa Trail Blazers.
Celtics 108, Raptors 105
Ipinasok ni Derrick White ang isang 3-pointer, may 26.8 segundo ang nalalabi, at dinispatsa ng bisitang Boston Celtics ang Toronto Raptors.
Tumapos si White na may 13 points at tumabo si Jaylen Brown ng 23 para sa Celtics, na nanalo ng limang sunod.