SUNS TINUSTA ANG LAKERS

NAGBUHOS si Bradley Beal ng season-high 37 points, nagdagdag si Devin Booker ng 31 at sumandig ang bisitang Phoenix Suns sa mabilis na simula upang maiposte ang 127-109 panalo laban sa Los Angeles Lakers noong Huwebes.

Umiskor si Kevin Durant ng 18 points at nag-ambag si Jusuf Nurkic ng 9 points at  12 rebounds para sa Suns na tinalo ang Lakers sa unang pagkakataon sa apat na pagtatangka ngayong season. Ang dalawang koponan ay muling maghaharap sa Feb. 25 sa Phoenix.

Kumana si Beal ng 8 of 10 mula sa 3-point range, 14 of 21 overall at umiskor ng 26 points sa second half at nagwagi ang Suns sa ika-6 na pagkakataon sa kanilang huling siyam na laro.

Tumapos si D’Angelo Russell na may 19 points at nagdagdag si Max Christie ng 14 para sa Lakers, na natalo sa ika-5 pagkakataon sa kanilang huling pitong laro. Pumasok sila sa laro na may back-to-back wins sa unang pagkakataon sa isang buwan.

Nalimitahan sina Anthony Davis at  LeBron James sa  13 at  10 points, ayon sa pagkakasunod.

Bucks 135,
Celtics 102

Kumana si Bobby Portis ng game-high 28 points mula sa bench at nagdagdag ng 12 rebounds upang tulungan ang Milwaukee Bucks na makaiwas sa ikatlong sunod na kabiguan sa pagdispatsa sa bisitang Boston Celtics.

Ipinasok ni Portis ang 11 sa kanyang 18 field-goal attempts, kabilang ang 5 of 6 shots mula sa 3-point range.

Nagdagdag si Milwaukee star Giannis Antetokounmpo ng 24 points, 12 rebounds at 6 assists sa loob ng 26 minuto. Bumuslo siya ng 10 sa 13 shots mula sa floor. Ang Bucks ay nakakuha rin ng 21-point performance mula kay Damian Lillard.

Nanguna si Payton Pritchard para sa Celtics na may 21 points. Gumawa si Sam Hauser ng apat na 3-pointers at tumapos na may 15 points.

Nakontrol ng Milwaukee ang laro sa pamamagitan ng  25-0 run sa first half. Naghabol ang Celtics sa 31-23, may 2:14 ang nalalabi sa first quarter, pagkatapos ay hindi nakaiskor sa sumunod na  6:36. Nagmintis ang Boston sa 10 sunod na field-goal attempts sa naturang stretch.

Naglaro ang Boston, na pinataob ang Minnesota Timberwolves sa overtime noong Miyerkoles, na wala si center Al Horford, dahil sa non-COVID illness. Karaniwang hindi ginagamit ng Celtics si Horford sa parehong games kapag naglaro sila sa magkasunod na gabi.