SUNS WINALIS ANG NUGGETS

NAGBUHOS si Chris Paul ng 37 points, tumabo si Devin Booker ng 34 points at 11 rebounds, at ginapi ng bisitang Phoenix Suns ang Denver Nuggets, 125-118, upang walisin ang  best-of-seven Western Conference semifinal series noong Linggo.

Binigyan si Nuggets star Nikola Jokic, ang NBA MVP, ng Flagrant 2 foul at napatalsik sa laro sa huling bahagi ng third quarter. Tumapos siya na may 22 points at 11 rebounds.

Umiskor si Mikal Bridges ng 14 points, tumipa si Deandre Ayton ng 12 points at nagtala si Jae Crowder ng 9 points, 10 rebounds at 4 blocks para sa Suns, na umabante sa conference finals sa unang pagkakataon sa loob ng 11 taon.

Kumabig si Will Barton ng 25 points, nagdagdag si Michael Porter Jr. ng 20, tumapos si Monte Morris na may 19 at nakalikom si Facu Campazzo ng 14 para sa Denver.

BUCKS 107,

NETS 96

Tumirada si Giannis Antetokounmpo ng 34 points at kumalawit ng 12 rebounds upang pangunahan ang Milwaukee Bucks sa 107-96 panalo kontra Brooklyn Nets at maitabla ang kanilang Eastern Conference second round series.

Sunday with a who lost Kyrie Irving to an injury.

Ipinamalas ni Antetokounmpo ang kanyang pinakamatikas na performance sa postseason, sa pagkamada ng 14-of-26 mula sa field at umiskor ng 12 points sa third quarter para sa Bucks, na nanalo ng dalawang sunod sa home upang ipatas ang best-of-seven series sa 2-2.

“This says a lot,” ani Antetokounmpo. “I am really proud of this team. We keep playing together. We put ourselves in a position to win two more games.”

Lalaruin ang Game 5 sa Martes sa Brooklyn.

6 thoughts on “SUNS WINALIS ANG NUGGETS”

  1. 210196 191160It is difficult to get knowledgeable people with this subject, but the truth is could be seen as do you know what youre referring to! Thanks 880054

  2. 794900 216885Great artical, I unfortunately had some difficulties printing this artcle out, The print formating looks slightly screwed more than, something you may want to look into. 663288

Comments are closed.