NAIYAK sa tuwa si Sunshine Cruz nang aprubahan na ng korte ang apat na taon niyang paghihintay para ma-annul ang kanilang kasal ni Cesar Montano.
Post nga ni Sunshine sa kanyang Instagram account.
“This day I will never forget. Thank you #new beginnings #newchapter #grateful.”
Sa naturang post pa rin ni Sunshine, nakasulat naman ang quote na, “Lord, thank you for giving me a new day, for the blessings things that you have prepared. You do wonderful things. Thank you for all Your love.”
Year 2014 nang magpetisyon si Sunshine ng annulment case at more than a decade din sila nagsama ni Cesar as husband and wife bago sila naging malayang muli.
Tatlong babae ang naging anak nila, sina Angelina Isabella, Samantha Angeline at Angel Franchesca.
Pero kahit annul na ang marriage nina Sunshine at Cesar ay wala pa raw sa isip ni Sunshine ang magpakasal sila ng kanyang boyfriend na si Macky Mathay.
LJ REYES NATUWA NANG MALAMAN NA BABAE ANG MAGIGING ANAK NILA NI PAOLO CONTIS
NAGTATALON sa tuwa at saya si LJ Reyes nang malaman nila ni Paolo Contis na babae ang kanilang magiging anak.
Sa gender reveal party na ginanap kamakailan ay doon nagtatalon si LJ na ikinagulat ng mga bisita at natuwa sa ginawang pagtalon ng actress dahil nagmistulang parang hindi raw buntis ito.
Napansin din ng mga bisita ang saya sa mukha ni Paolo nang yakapin ni LJ at maging ang anak nito na si Aki ay bakas ang kasiyahan dahil magkakaroon na siya ng baby sister.
January next year ang due date ng panganganak ni LJ at ngayon pa lang ay pinag-uusapan na nila ni Paolo kung ano ang ipapangalan sa kanilang first baby girl.
May dalawang anak na babae si Paolo kay Lianne Paz na malalaki na ngayon. Pupunta ng Cebu si Paolo para siya raw mismo ang magsasabi sa kanyang dalawang anak na magkakaroon na sila ng kapatid. Pero tila hindi pa niya ito magagawa sa ngayon.
DIREKTOR NINA ROBIN AT PIOLO SA ‘MARAWI’ NAG-RESIGN
NAG-RESIGN daw si Sheron Dayoc bilang director ng pelikulang Marawi na pinagbibidahan nina Robin Padilla at Piolo Pascual na kung saan isa si Papa P sa kasosyo.
Da who raw ba si Sheron Davoc. Si Direk Davoc ay isa raw award-winning filmmaker na siyang nagdidirek ng first movie na pagsasamahan ng dalawang sikat na actor ng bansa.
Ayon kay Sheron, bilang isa raw siyang Mindanaoan filmmaker na tagapagtanggol ng regional filmmaking. Hindi raw niya maikukumpromiso ang kanyang sining sa paglalahad ng katotohanan ng isang kuwento. Magkaiba raw kasi ang pananaw nila ng producer ng nasabing movie.
Hindi raw love story, horror o comedy ang kanyang ginagawa kundi tumatalakay sa maselang paksa na sangkot ang mga biktima ng Marawi siege.
Pero kahit nag-resign na siyang director ng naturang movie ay hangad niya raw na matapos pa rin ang Marawi film at sana raw kung sinuman daw ang papalit sa kanya ay gawing makatotohanan ang pagsasalarawan ng mga nangyaring gulo sa Mindanao.
Si Sheron Dayoc ang siyang nagdirek ng Women of the Weeping River noong 2017 at ng dokumentaryong The Cresent Rising na tinanghal na best documentary ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino noong 2016.
Well, hindi kaya manghinayang si Direk Davoc nang atrasan niya ang pagdidirek ng Marawi dahil dalawang bigating actor ang bida ng movie.
Parang hindi kapani-paniwala na ang mga bida na sina Robin at Piolo ng “Marawi” ay hindi palalabasin na makatotohanan ng pagsasalarawan ng mga nangyaring giyera sa Mindanao.
Ang hangarin nga nina Robin at Piolo ay matulungan ang mga kababayan natin nagdusa sa giyerang naganap sa Mindanao. Ginawa nila ang movie para isalarawan ang mga sinapit ng mga kababayan nating Muslim sa Mindanao.
Mukhang malabo ang ibinigay na dahilan ng director ng Marawi sa pag-atras nito bilang director.
Sigurado na magbibigay ng kani-kanilang pahayag sina Papa P at Robin kung bakit umatras ang kanilang director para magkaalaman kung ano talaga ang tunay na dahilan ng pag-atras ng naturang director.
Comments are closed.