BAGO pa man nagpakasal sa dating asawang si Cesar Montano, ay aktibo sa showbiz si Sunshine Cruz at sumabak pa nga siya sa nausong sexy movies kapanabayan nina Ara Mina at Aubrey Miles, pero short-lived lang ang pagpapa-sexy ni Sunshine dahil ikinasal siya kay Cesar. Ang huling sexy movie na ginawa niya at ipinalabas sa mga sinehan ay ang “Ekis.” Mayroon na rin siyang naumpisahan noon na daring movie, pero hindi na nga niya ito tinapos pa.
Ngayon at 42 and mother of 3 girls, sasabak na muli si Sunshine sa isang sexy movie, ang “Malamaya” kung saan ay much younger ang kanyang leading man na si Enzo Pineda. May mga sexy and bed scenes sa naturang pelikula si Sunshine.
Ano kaya ang nag-udyok kay Sunshine para muling sumabak sa isang pelikulang mapangahas? Ani ni Sunshine, “nagtataka ako kung bakit nakasentro sa mga sexy scenes naming ni Enzo ang publicity ng pelikula. It’s more than just a sexy movie,” ‘yan ang pahayag ng actress.
Hindi na nga raw siyang nagdalawang-isip na tanggapin ang pelikula kahit pa may pagka-daring ito, dahil sa na-challenge si Sunshine sa kanyang role at may basbas naman ito ng kanyang mga nagdadalagang anak.
Say pa ng actress, sabay-sabay raw nga silang mag-ina na manonood ng pelikula niya.
ARRA SAN AGUSTIN MAY PANIBAGONG PAGSUBOK SA KARIR
TILA naunsyami ang dapat sana ay masasabing biggest break ng baguhang Kapuso young actress na si Arra San Agustin, ang teleserye nilang “My Special Tatay” ni Ken Chan, dahil mas natuon ang istorya nito hindi sa kanilang dalawa kundi kina Rita Daniela at Ken. At hindi lang sa “My Special Tatay” pumaimbulog ang tambalan nina Ken at Rita, nagkaroon pa sila ng duet at nag-concert pa.
Ngayon nga ay may follow up na ang tambalan ng dalawa sa teleseryeng “One of the Baes”.
Hindi naman pakakabog si Arra San Agustin, at kung naunsyami man ang kanyang ‘moment’ sana sa “My Special Tatay,” ay may bago na ring teleseryeng gagawin si Arra at siya na mismo ang bida at katambal si Juancho Trivino, ang “Madrasta”.
Malaking hamon ang naturang teleserye kina Juancho at Arra dahilan sa pareho silang ilo-launch dito. Tsikang habol si Arra sa kasikatan na tinatamasa ngayon ni Rita. Malamang ay hindi na maagaw kay Arra ang inaasam na kasikatan sa “Madrasta” dahil sa kanya na iikot ang istorya.
Comments are closed.