“PEOPLE are now questioning the food we eat and the clothes my children wear because of a person who we/they don’t get to see anymore. I told my kids not to be embarrassed kasi pagkain, damit, ultimo sasakyan n’yo ako ang bumili para sa inyo. Nagtatrabaho ako ng maayos at nagpupursigi para sa mga anak ko. Kung may kasalanan sa inyo ang ibang tao, don’t involve other people especially my children.
“Mula 2013 nagawa kong magtrabaho at buhayin ang mga anak ko sa maayos na paraan at pagtatrabaho ng maayos bilang artista.”
Obvious kung sino ang pinatutungkulan niya rito. Kasi nga, dawit ngayon sa mga kaguluhan sa Department of Tourism ang kanyang ex na si Cesar Montano na nagbitiw na sa kanyang tungkulin.
Bakit ba kasi may mga taong mahilig ding makisawsaw at magbigay ng mga opinyong hindi naman hinihingi.
Mas marami ang nakakakilala sa pagkatao ni Sunshine kaya hindi ito dapat mabahala.
By the way, isa si Sunshine sa masasabing naging “biktima” ng nanguha ng pera sa celebrities para raw mag-invest sa malalaking negosyo niya sa Dubai. Pero ang ipinangako niyang interes o kita eh hindi na niya ibinabalik.
Actually, si Sunshine ang unang nagparamdam ng reklamo niya sa nasabing tao dahil kinailangan na niya ang pambili ng sasakyan ng kanyang mga anak at pang-enrol na siya nga mag-isa ang bumubuno.
Kaya tigilan siya at mga anak niya ng mga malisyoso at mapanuring mga tao, no?
MARTIN ESCUDERO NAPANSIN PA RIN ANG KAHUSAYAN BILANG AKTOR
NAKAUSAP namin ang premyadong aktor na si Martin Escudero sa special screening ng “Misyon” (A Marawi Siege Story) na idinirihe ni Cesar Soriano.
Anim na taon na palang tengga si Martin sa mga proyekto mula nang maghiwalay sila ng kanyang manager na si Popoy Caritativo. Mas gusto na nga lang ni Martin na kalimutan na lang ang kabanatang ‘yun ng kanyang buhay.
“Mula noon, ang parents ko na po ang humawak sa career ko. At sa awa naman ng Diyos, hindi man sunod-sunod meron pa rin naman pong mga proyektong dumarating. Guesting sa TV o gaya ng proyektong ito. Medyo may kaguluhan nga po kasi ramdam ko na meron talagang nakaharang para tumuloy-tuloy pa ako sa mga trabaho ko. Kaya, ipinagpapasa-Diyos ko na lang po.”
Pansin naman ng mga nakapanood sa “Marawi” na mapapanood na sa mga sinehan sa Mayo 30, 2018, mahusay pa rin si Martin sa kanyang talento bilang aktor.
“True-to-life story po ang pinagbasehan ng “Marawi”. Ako po si Sajid na isang nurse sa pelikula. Ma-prinsipyo pero sa mga nangyari sa buhay niya, may piniling ipaglaban.”
Sana nga raw mas marami pa uling proyektong masalangan si Martin. Ang minsang naging toast of tinseltown dahil sa mga papel na ginampanan niya ay naghahanap ng bagong liwanag. Gaya ng ginampanan niyang katauhan sa “Marawi” na magbibigay din ng ilang kalinawan sa ilang araw na pakikibaka ng mga nalagay sa pagitan ng mga nagpapalitang bala.
o0o
45 YEARS! ‘Yan na ang number of years na ipagdiriwang ng orihinal na Kilabot ng mga Kolehiyalang naging icon na ng OPM na si Hajji Alejandro.
Dubbed Powerhouse IV: Hajji Ako at ang Aking Musika 45 Taon”, Hajji will sing his timeless hits on June 23, 2018 sa Theater at Solaire Resorts and Casino.
Sasamahan si Hajji ng kanyang special guests na sina Rachel Alejandro, Marco Sison, Rey Valera at Ms. Celeste Legaspi.
Comments are closed.