SUNSHINE DIZON ‘DI PINANGARAP MAGING COUGAR

SUNSHINE DIZON

PAPEL ng isang cougar o babaeng hiwalay sa kanyang asawa na may karelasyong lala­keng mas bata sa The pointkanya ang role ni Sunshine Dizon sa pelikulang “Rainbow’s Sunset’ ng Heaven’s Best Entertainment.

Gayunpaman, never daw niyang bet na ma­ging cougar. Kung sakali raw na darating ang panahon na iibig siyang muli at magkakaroon ng relasyon sa isang lalake pagkatapos ng hiwalayan blues sa kanyang ex, gusto raw niya na ang susunod na boyfriend niya ay mas matanda kaysa sa kanya.

“To be honest, ayoko ng bata. Gusto ko na someone who will take care of me. Gusto ko kumbaga, asawa akong muli, na ako naman iyong baby. Gusto kong ma-feel iyon. Ayoko na noong kaedad ko,” sey niya. “I’m already 35, 40 or 45 , okey na sa akin. Gusto kong ako naman iyong reyna, ako naman ang prinsesa. He will take care of me. Iyon ang gusto ko. Ayoko iyong ako lang ang dedesisyon sa lahat,” dugtong niya.

Aminado rin siyang mas matanda siya sa kanyang ex kaya marahil hindi nag-work ang kanilang relationship.

“Mas gusto ko ng older para mas nai-stimulate naman ang brain cells ko. Ang hirap kasi, eh. Mas madaling mag-mature ang babae kaysa sa lalake. Mas maganda iyong may edad nang kaunti,” hirit niya.

Papel ng isa sa mga anak nina Eddie Garcia at Gloria Romero ang role ni Sunshine sa pelikulang “Rainbow’s Sunset” kung saan nakipagtagisan siya sa acting kina Tirso Cruz III at Aiko Melendez na gumaganap na mga kapatid niya.

Ang “Rainbow’s Sunset” ay isa sa mga pelikulang kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.

NOEL COMIA JR AGAW-PANSIN ANG ACTING

AGAW-pansin ang magaling at award-winning actor na si Noel Comia, Jr. sa pelikulang “Rainbow’s NOEL COMIA JRSunset” kung saan ginagampanan niya ang role ng bratty na anak nina Aiko Melendez at Marcus Madrigal.

Si Noel ay nanalo ng best actor award sa Cine­malaya bilang best actor para sa pelikulang “Kiko Boksingero”.

Naging contestant din siya sa defunct show na “Your Face Sounds Familiar, Kids edition”.

Para kay Noel, isang malaking karangalan ang makatrabaho ang mga beteranong aktor na sina Eddie Garcia at Gloria Romero na gumaganap bilang lolo at lola niya sa nasabing pelikula.

Bukod sa pagiging movie at TV actor, isang magaling na stage actor si Noel.