AMINADO ang magaling na Kapuso actress na si Sunshine Dizon na isang malaking hamon ulit sa kanyang kakayanan bilang isang aktres ang bagong teleseryeng ginagawa, ang “Magkaagaw” kung saan kasama niya sina Sheryl Cruz, Jeric Gonzales at Klea Pineda.
Kung aktingan din lang naman ang pag-uusapan ay wala nang pagtatalunan pa sa kapasidad ni Sunshine umarte. Award-winning actress siya. Pagdating naman sa mga eksena, say ni Sunshine, kailangan talaga niyang maghanda ng husto para sa mga ‘bugbugan’ scenes nila ni Sheryl Cruz.
Hindi man bago kay Sunshine ang ganitong klase ng eksena, remember, ilang beses din siyang nakipagbugbugan kay Ryza Cenon sa mga eksena nila sa hit na hit na teleseryeng “Ika-6 Na Utos” with Gabby Concepcion, dito naman sa “Magkaagaw” ay si Sunshine naman ang lalabas na kabit at paghihigantihan ng husto ni Sheryl na lumabas namang legal wife ng isang lalaking pinakasalan sila pareho.
Umaatikabong bakbakan, sabunutan at kung anik-anik pang pisikalan ang nakatakdang gawin ng dalawa. Say ni Sunshine, talagang kailangan daw niyang maging prepare physically dahil after ng kanyang mga maaksyong eksena ay may nararamdaman na rin siyang sakit sa kasu-kasuan, as in hindi na raw siya isang 16 years old na go lang ng go.
SANYA LOPEZ MAY KONDISYON SA FUTURE BF
IBA’T ibang tsika ang naglalabasan hinggil sa pagkakaroon ng lovelife ng bagong calendar girl ng isang inuming nakalalasing, kapalit ng dating Miss Universe na si Pia Wurtzbach, na si Sanya Lopez.
Andiyan naglalabasan ang mga guy na naka-short term relationship ni Sanya diumano. Pero para kay Sanya, no boypren since birth pa siya. Sa ginawa ni Sanya na pagpapa-sexy sa isang calendar ay magiging daan para mas dumami pa ang mga manliligaw niya.
Say naman ng sexy young Kapuso actress, may suitors naman daw siya. Pero kung madadagdagan pa, the more the merrier, ika nga. At kung siya ang papipiliin ng magiging first boypren, gusto niya sa guy ay ‘yung ganado sa buhay. At dapat ‘yung tatanggapin siya sa kanyang pagiging ac-tress. Lalo ngayon na nagpapa-sexy na siya, dapat maunawaan ito ng kanyang magiging first boypren at susuportahan siya sa kanyang showbiz career.
Comments are closed.