SUNSHINE DIZON PRODUCER NA RIN

SUNSHINE-DIZON

DAHILAN sa tagumpay na tinamasa ng “Ika-6 Na Utos” ay marami na ngayon ang nag-aabangwallface kung ano ang magiging project ni Sunshine Dizon sa GMA7. Nakikita si Sunshine sa shows ng Kapuso Network pero guestings lang.

Sa ngayon ay wala pang kasiguruhan kung ano ang gagawin na teleserye ni Sunshine pero habang nag-aantay ang actress ay patuloy pa rin naman sila ng mga kasamahan niya dati sa orihinal na casts ng “Encantadia” na sina Karylle, Iza Calzado at Diana Zubiri sa pagpaplano ng isang pelikula na nakatakda nilang gawin at sa direksiyon din ng “Encantadia” director na si Mark Reyes.

Matagal-tagal na rin namang plano ng apat na gumawa ng isang dream project para na rin sa kanilang reunion dahilan sa naging solid ang kanilang pagkakaibigan noong nagsama-sama silang apat. At dahil na rin sa imposible sa ngayon na ang GMA7 ang gumawa ng dream project ang apat, sina Karylle at Iza ay nasa Kapamilya Network na, samantalang si Diana ay freelance pero focus sa kanyang pamilya, ay si Sunshine na mismo kasama sina Karylle, Diana at Iza ang magpo-produce ng proyektong pagsasamahan nilang muli.

Ayon sa tsika, isa itong movie na tila may pagkahawig sa “Encantadia” at may working title na “Avisala”.

ALDEN RICHARDS NAGBUWIS-BUHAY PARA SA KANYANG SERYE

ALDEN-RICHARDSDAHIL napaka-espesyal para kay Alden Richards ang pinakabago niyang proyekto sa GMA na “Victor Magtanggol”, ay mismong si Alden ang nagmungkahi sa kanyang director na si Dominic Zapata, na siya mismo ang gagawa ng kanyang mga action scene kahit pa may pagkadelikado ito. Kinunan ang unang action scene ng Pambansang Bae sa isang palengke kung saan nagpatalon-talon at nagpadausdos siya sa tiles. Malaki raw ang naitulong ng kanyang parkour training bilang paghahanda sa mga ganitong eksena.

Kaya naman kahit pagod, hindi ininda ni Alden ang hirap dahil enjoy siyang gawin ito para mapaganda lalo ang mga eksena.

“Mostly kasi tipikal lang yung mga fight scenes na nagagawa ko with my past projects. Pero ito kakaiba. Nai-apply ko ‘yung natutuhan ko sa parkour,” ayon kay Alden.

“I see to it na majority of the scenes dito ako talaga ang gagawa, lahat ng stunts ako ang gagawa.”

Marami pa raw na gani­tong eksena na gagawin si Alden para sa “Victor Magtanggol” na ang istorya ng buhay ay puno ng drama, aksyon at adventure na sumasalamin sa buhay ng bawat Filipino.

SUNSHINE CRUZ MAS FEEL SI SHERYL CRUZ KAYSA KINA DONNA AT GENEVA

SA tatlo pang pinsan ni Sunshine Cruz, na sina Donna, Geneva at Sheryl Cruz, ay bukod tanging si Sheryl lang ang aktibo sa showbiz kahit halos sabay-sabay silang 4 na magpi­pinsan na pumasok sa showbiz. Ngayon nasa Kapuso na si Sunshine, lead star sa “Kapag Nahati ang Puso” (dating “Karibal Ko Ang Aking Ina”) ay natanong ang actress kung mabibigyan siya ng chance na mamili sa kanyang mga pinsan na makasama sa trabaho, sino kaya ang gusto ni Sunshine na makasama.

Say ng actress, gusto niya si Sheryl, dahilan sa aktibo ito ngayon sa showbiz at isa ring Kapuso. Bukod sa naturang dahilan ay sinabi pa rin ni Sunshine na hangang-hanga siya sa husay ng kanyang pinsan pag-dating sa aktingan. Kung kaya nais niya talagang makasama ang pinsan para makahingi siya ng iba pang tips kung paano pa niya mapapa-improve ang kanyang acting talent.

Comments are closed.