(Suntukan, pagsabog at pamamaril noong Mayo 13) 41 KARAHASAN NAITALA SA MIS-MONG HALALAN – PNP

Banac

CAMP CRAME – NAKAPAGTALA ng 41 violence incidents ang Philippine National Police (PNP) sa mismong araw ng eleksiyon noong Mayo 13.

Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac sa press conference kahapon.

Subalit nilinaw niyang hindi pa ikinokonsidera ng PNP na election related incidents ang 41 violence incidents dahil nagpapatuloy pa ang validation.

Aniya, ang mga violence incident na ito ay suntukan, pagsabog at pamamaril.

Dagdag pa ni Banac, sa pre-election ay nakapagtala na ang PNP ng 43 election related incidents.

Ito ay na-monitor mula Enero 13 hanggang Mayo 12, 2019.

Una nang naihayag ni PNP Chief, General Oscar Albayalde na 60 porsiyento na mababa ito kung ikukum­para sa nakalipas na 2016 election na may 106 election related incidents at 2013 election na may 94 election related incidents. REA SARMIENTO

One thought on “(Suntukan, pagsabog at pamamaril noong Mayo 13) 41 KARAHASAN NAITALA SA MIS-MONG HALALAN – PNP”

  1. I have found your article very informative and interesting. I appreciate your points of view and I agree with so many. You’ve done a great job with making this clear enough for anyone to understand.

Comments are closed.