NAKUHANAN ng isang hobbyist at astrophotographer enthusiast na si JB San Agustin, 28 ayos, ang tinaguriang super blue moon nitong Martes ng gabi, Agosto 20 sa Libmanan sa Camarines Sur ayon kay Jeric Lopez ng Bicoldotph.
Ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA) bagama’t tinatawag na “blue moon” ang full moon ng Agosto, hindi ibig sabihin nito na magmumukhang asul ang buwan sa paningin.
Dagdag pa ng NASA, ang unang naitalang paggamit ng terminong “blue moon” sa wikang Ingles ay noong 1528 pa.
Ang pinagmulan ng terminong ito ay pinaniniwalaang mula sa isang lumang Ingles na parirala na nangangahulugang “betrayer moon” dahil sa pagkakamali sa pagtatakda ng mga petsa para sa Kuwaresma at Pasko ng Pagkabuhay.
RUBEN FUENTES