ANO nga ba ang Super El Nino-Oscillation ?
Ito ay nahahati sa dalawang yugto , ang La Nina para sa matinding pag-ulan at El Nino para sa matinding tagtuyot.
Ayon sa mga eksperto, ito’y isang weather phenomenon kung saan apektado ang interaction ng dagat .Umiinit na raw ang gitnang bahagi ng Asia Pasipiko na ito ang sinasabing Super El Nino.
May epekto ang ocean surface temperature sa pagbabago ng panahon sa buong mundo.Tulad na lamang ng pagbaha, pagkatunaw ng yelo at ang matinding tagtuyot.
Sa ngayon, ang index ng init sa ating bansa ay pumapalo na sa 48 to 50 Celsius .At kapag ganito na ang ating nararanasan ay malaking banta na ito , hindi lamang sa ating mga pananim o kabuhayan kundi pati sa ating kalusugan.
Palagi naman nating nararanasan ang El Nino subalit kakaiba ngayong mga panahon na ito sapagkat pumapalo na halos sa 50 Celsius ito, na nagreresulta ng sobrang init sa mundo.
Kung matatandaan natin na noong taong 2018, ayon sa NDRRMC ang apektadong magsasaka sa naganap na tagtuyot ay 267,610 at P7.96 bilyong naman ang pinsala sa agrikultura kung saan kakaiba naman noong 2009 dahil sa suunod-sunod na bagyo ang naranasan.
Mararanasan nga ba hanggang 2024 ang International prediction?
Na may kinalaman ang global warming ,pag-init ng dagat kahit may bagyo.
Kuruin mong dito sa atin sa Pinas ay mayroong 46 na probinsya ang apektado na ng sobrang init.
‘Yung minsan halos mapugto na ang ating hininga lalo na kapag naglalakad tayo sa labas ng bahay para sa ating paggawa.
Dapat talaga tayong mag-ingat at magtungo sa lilim ng mga punong kahoy at palaging maligo.
Kaya lang paano nga raw ba naman maliligo lalo na ang karamihang residente sa Manila kung palaging walang tubig.
Lagi nilang sinasabi na magtipid sa tubig .
Pero dapat nag- iisip din ang mga water service provider, ano ang dapat nilang gawin para ‘di mawalan ng daloy ng tubig lalo na sa Kamaynilaan.
Maraming mga water leakage sa ilang mga lugar na hindi nila napapansin na mas malaki ang konsumo nito kaysa sa mga concessionare .Tapos ipapasa ang nakonsumo sa mga tumatagas na mga tubo.Ang geling naman!
Mabuti rin ang mga mayayaman na mayroong swimming pool sa kanilang bahay kahit maya’t maya sila maligo.
Eh paano naman ang pamilya nina Juan at Juana dela Cruz na salat sa buhay?
At ang nakaaalarma pa nito ay ang sinabi ng PAGASA na kahit ganito katindi ngayon ang init ay hindi pa ito El Nino.
Mas mararanasan pa raw natin ito sa mga buwan ng Hunyo at Agosto .
Baka nga raw tumagal pa ito hanggang unang quarter sa susunod na taon.
Bagama’t may mga kaunting pag-ulan sa ilang bahagi ng lugar ngunit ramdam na ramdam pa rin natin ang matinding init .
Kaya naman ayon na rin sa mga dermatologist, kung palagi tayong nasa labas ng ating bahay ay palaging mag-apply ng mga miracle sunblock upang makaiwas sa mga ultra violet radiation na pinagmumulan ng iba’t ibang uri ng sakit sa balat dala ng matinding init.