SUPER HEALTH CENTER SA BULACAN PINASINAYAAN

BULACAN-UPANG mapalawig ang pagtulong sa mga Pilipinong may karamdaman maari nang magamit ang bagong gusali ng isa sa 7 Super Health Centers na ipinatayo sa lalawigang ito.

Pinasinayaan ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go kasama si Meycauayan City Mayor Henry Villarica ang bagong building ng Super Health Center na matatagpuan sa Brgy.Camalig sa naturang lungsod.

Tinatayang aabot sa P11.5 milyon ang halaga ng health center na mula sa 2022 National Budget ng Department of Health.

Kabilang sa mga libreng serbisyo ang database management, out-patient, birthing, isolation, diagnostic gaya ng laboratory, x-ray, ultrasound, pharmacy, and ambulatory surgical unit.

Bukod dito, may services para sa eye, ear, nose, and throat (EENT) service, oncology centers,physical therapy and rehabilitation center and telemedicine habang nagkaroon magkakaroon din ng Dialysis center.

Kasunod nito nasa 1000 benepisyaryo na nabiyayaan ng cash assistance sa bayan ng Guiguinto sa pamamagitan ng DSWD.

Namahagi rin ang senador, ng foodpacks, at vitamins habang nagpa-raffle din ng bike at bola.

Naging mainit ang pagtanggap ni Guiguinto Mayor Atty.Agay Cruz, at ng mga taga-Guiguinto kay Senador Go na ginanap sa kanilang Covered Court.

Labis ang pasasalamat ng mga residenteng nabigyan ng foodpacks at cash assistance.
THONY ARCENAL