‘SUPER ROOKIES’ SANDIGAN NG E-PAINTERS

ANG RAIN or Shine ang pinakaaktibong koponan sa unang dalawang rounds ng huling PBA draft.

At sa maikling panahon ay inaani na ngayon ng Elasto Painters ang bunga ng kanilang pamumuhunan sa mga batang rookies.

Pinuri ni coach Chris Gavina ang tinatawag niyang  ‘super rookies’ na kasalukuyang nagpapakitang-gilas sa PBA Philippine Cup at sandigan ng koponan para mapalakas ang kanilang kampanya para sa isang quarterfinals berth sa season opening meet.

Gumanap ng malaking papel ang trio nina Leonard Santillan, Andre Caracut, at Anton Asistio sa back-to-back victories ng koponan sa powerhouse teams Magnolia at San Miguel, dahilan para umangat ang Elasto Painters sa 6-4 record sa kabuuan, isang laro na lamang ang nalalabi sa elimination round.

Higit na naramdaman ang halaga ng tatlong naturang rookies sa 95-93 upset win ng Rain or Shine laban sa San Miguel kung saan pinangunahan nila ang paghahabol ng Elasto Painters mula sa 13-point deficit.

Nagbida si Santillan na may 21 points sa perfect 3-of-3 shooting mula sa  three-point range, habang nagdagdag si Asistio ng 11 points at 7 assists, at gumawa si Caracut ng 7 points.

Walang nasambit si Gavina sa post-game presser kundi puro papuri para sa kanyang rookies, kung saan si Santillan ang napiling ‘Best Player of the Game’.

“I’m fearless when I play these rookies. All these guys have shown great characters and extreme grit under extreme pressure these past two games,” aniya. “As you can see, they’ve been ready to perform when their numbers are called.”

Nagpasiya si Gavina na punuin ang kanyang koponan ng mga baguhan sa rookie draft, kung saan kinuha niya si Santillan sa no. 5 sa first round, at pagkatapos ay idinagdag sina Franky Johnson (no. 17), Asistio (no. 22), at Caracut (no. 23) sa second round.

Sina Santillan, Asistio, at Caracut ay ipinasok sa regular 5-on-5 lineup ng koponan, habang idinagdag si Johnson sa active roster kalaunan mula sa 3×3 unit.

Miyembro ng 3×3 men’s national team, si Santillan ay inilagay sa starting unit ng Rain or Shine sa huling dalawang laro kung saan may average siya na 11.7 points per game, kabilang ang 50 percent shooting mula sa three-point range.

Nagpapalitan naman sina Asistio at Caracut sa starting sa backcourt, kung saan katuwang nila sa paggawa ng play sina veterans Gabe Norwood at Rey Nambatac.

“So it’s a blessing for us to have all these super rookies on our team,” dagdag ni Gavina. CLYDE MARIANO

11 thoughts on “‘SUPER ROOKIES’ SANDIGAN NG E-PAINTERS”

  1. 256861 762361When I initially commented I clicked the “Notify me when new comments are added” checkbox and now each time a comment is added I get three e-mails with the same comment. Is there any way you can remove me from that service? Thanks! 510098

  2. 585492 980870It is truly a fantastic and helpful piece of information. Im pleased that you just shared this helpful info with us. Please stay us informed like this. Thank you for sharing. 961937

  3. 584259 834179Excellent day! Do you know if they make any plugins to protect against hackers? Im kinda paranoid about losing everything Ive worked hard on. Any suggestions? 528933

Comments are closed.