SUPERFOOD FOR BREASTFEEDING MOMS

BREASTFEEDING

(Ni CT SARIGUMBA)

KAPAG nga naman bagong pa­nganak, isa sa laging isinasaalang-alang ay ang tamang nutrisyon. Kaya’t lag-ing pinag-tutuunan ng isang ina, gayundin ng mga taong nakapalibot sa kanya ang mga dapat kainin nito sa mga panahong bumabawi ito ng lakas.

Hindi ngan naman madali ang manganak. Kaya’t napakaimportanteng malakas tayo at malusog. Mahalaga ring nagiging maingat tayo at mapili sa mga pagkaing ating kahihiligan sapagkat nakasalalay rito ang ikalulusog ng ating anak lalo na kung nagpapa-breastfeed tayo.

Maraming masarap kainin. Kung minsan din, para makabawi ng lakas, lahat ng pagkaing magustuhan o hinaha­nap, kinakain natin.

Gayunpaman, hindi lahat ng pagkain ay mainam sa katawan at sa ating baby. Kung nagpapa-breastfeed, dapat ay mas maging maingat at mapili sa ipanlalaman sa tiyan. Nakasalalay kasi sa kinakain ang ikalulusog ng ating baby.

At dahil napakahalagang malusog ang isang ina upang maging malusog din ang kanyang baby, narito ang ilang sa mga pagkaing maituturing na ‘su-perfood’:

GREEN LEAFY VEGETABLES GAYA NG MALUNGGAY

MALUNGGAY-4Para umano magkaroon ng gatas o dumami ang gatas ng isang ina, palagi nating naririnig na kumain ng malunggay o kahiligan ang nasabing gulay.

Kaya’t madalas na inihahanda sa mga kapapanganak pa lang ang tinola o mga masasabaw na ulam na may halong ma-lunggay.

Ngunit hindi lamang malunggay ang swak na kahiligan, gayundin ang iba pang mga berde at madadahong gulay.

Mayaman sa vitamin A, C, E at K ang mga madadahong gulay na kulay berde. Nagtataglay rin ito ng fiber, antioxidants at calcium. Mababa lang din ang taglay nitong calories kaya’t swak na swak ito sa kahit na sino.

WHOLE GRAINS GAYA NG OATMEAL

OATMEAL-4Marami nga naman sa atin ang napakahilig sa oatmeal at iba pang klaseng whole grains. Kung tutuusin, napakaraming kagandahang naidudulot nito sa katawan. At kabilang nga sa benepisyo nito ay ang pagiging busog sa mahabang panahon o sa mas matagal na oras.

Alam naman nating kapag nagpapa-breastfeed ang isang ina, pa­niguradong maya’t maya itong makadarama ng pagkalam ng sikmura.

Tama lang din namang kapag nagutom ay kumain. Pero kaila­ngang masusutansiyang pagkain ang kahiligan. At isa nga sa puwedeng subukan ay ang oatmeal. Mataas ang fiber na taglay ng whole grains na makatutulong sa pagpo-produce ng milk. Mayman din ito sa iron.

Kaya naman, isama na sa listahan ang natu­rang pagkain.

SALMON AT SARDINES

Hindi rin siyempre maaaring mawala sa ating listahan ang salmon at sardines. Nakapagpapataas ng breast milk produc-tion ang salmon at sardines dahil sa taglay nitong protein.

Dahil panigurado ring magkakaroon o makararanas ng postpartum at depression ang kapapanganak pa lang, swak itong kahiligan dahil sa taglay ni-tong Vitamin B12 at omega-3 fatty acids.

UNRIPE PAPAYA AT CARROTS

Pagdating naman sa mga prutas, mainam namang kahiligan ang unripe papaya at carrots.

Kadalasan nga naman nating kinakain ang hinog na papaya. Ngunit para mag-boost ang milk production, hilaw o unripe papaya ang nararapat na ka-hiligan. May natural sedative ang unripe papaya na makatutulong upang maging relax ang pakiramdam.

Mayaman naman sa taglay na Vitamin A ang carrots kaya’t napabilang din ito sa superfood for breastfeeding moms. Nakapagpapa-improve rin ng milk production ang taglay nitong vitamin A.

Maaaring gawing salad ang unripe papaya at carrots nang makuha ang benepisyo nito.

WATER AT WATERMELON

WATERMELONPanghuli sa ating listahan sa superfood for breastfeeding moms ay ang water at watermelon.

Sa kahit na sino, napakahalagang mapanatili nitong hydrated ang katawan.

Bukod sa nakatutulong ang tubig at watermelon upang maging hydrated ang katawan ng isang tao, mainam din ito upang gumanda ang milk produc-tion ng isang ina.

Kung tutuusin, napakaraming superfood for breastfeeding moms ang maaaring kahiligan. Ilan lamang ang ibinahagi na bukod sa mura lang ay napa-kadali pang hanapin.

Panatilihin nating malakas at malusog ang ating pangangatawan nang lumusog at lumakas din ang ating baby. Higit sa lahat, nang magampanan natin  ang ating obligasyon—sa sarili, sa ating anak, maging sa pamilya.

Comments are closed.