Binabalaan ng Department of Trade and Industry,
Malalaking Grocery Stores na magsasamantala sa Mamimili.
Huwag anitong samantalahin ang mga pangyayari…
Maging Maayos at Matino sa pagseserbisyo at Delivery.
Binigyang-diin ni Trade Secretary Ramon Lopez
Mga Supermarkets owners marapat na mag-behave.
Sundin ang Suggested Retail Prices…
Sa presyo ng mga paninda iwasang maging Labis.
Binigyang-diin ng Kalihim… ang DTI ay nagbabantay man din
Mga Supermarket ay nasa Monitoring…
Kaya mga presyong tama at dapat lamang ang sundin
Huwag idahilan ang TRAIN Law nang hindi makastigo rin.
Marami naman kasing mga Mamamayan ang Nabigla
Sa pagsirit ng presyo ng mga bilihin ay natulala.
Sadya nga namang nakakagitla…
dumoble ang presyo ng lahat, ultimo Mantika!
Magugunitang Tinaasan Pinatindi ang Buwis
Sa mga Produktong Sigarilyo, Alak at Softdrinks
Layunin nitong i-off-set ang buwis sa Personal Taxes
Nang makapag-uwi ng mataas na take home pay sina Mr. at Mrs.
Kaya nga bilang isang Masunuring Mamamayan
Wala naman tayong magagawa kundi makipagtulungan
Ipanalangin na lang natin ang mga Kurakot at Tiwali sa Pamahalaan
Mapagtanto nawa nila kanilang ‘Kabuktutan’…
SISINGILIN AT PAGBABAYARIN DIN SILA NG KARMA NG KALIKASAN!
(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa dwiz 882am Radio)
Comments are closed.