SUPERMARKETS NAHIHIRAPANG MAGBENTA NG NFA RICE

NFA RICE

INIHAYAG ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association o PAGASA na nahihirapan silang magbenta sa kanilang supermarkets ng  bigas na mula sa National Food Authority (NFA).

Kamakailan lang nang iminungkahi ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagkakaroon ng  suplay ng NFA rice sa  supermarkets para mas maraming pagbibilhan ang mga konsyumer.

Lumagda na rin sa Memorandum of Agreement ang PAGASA kasama ang  DTI at NFA para legal nang makapagbenta ang mga supermarket ng NFA rice.

Kailangan mainspeksiyon ang mga supermarket na magbebenta ng bigas para magkaroon sila ng permit na iiisyu at babayaran nila sa NFA.

Kaya naman na­ging mahirap ito para sa PAGASA dahil ayon kay PAGASA President Steven Cua, karamihan sa 200 miyembro ng grupo ay walang permit. LYKA NAVARROSA

Comments are closed.