SUPERMARKETS PINAKUKUHA MUNA NG LISENSYA BAGO MAGTINDA NG NFA RICE

NFA RICE-7

NANINDIGAN ang National Food Authority (NFA) na kailangang kumuha ng lisensya ang mga supermarket bago makapagtinda ng NFA rice.

Ayon kay Director Rex Estoperez, spokesman ng NFA, ang pagkuha ng lisensya ay nasasaad sa Presidential Decree no. 4 o National Grans Authority Act ka­ya’t hindi ito puwedeng isantabi.

Sa kabila ng memorandum of agreement na nilagdaan ng NFA at ng Philippine Amalgamated Supermarkets Associations Inc., iisang supermarket pa lamang ang nakapagbenta na ng NFA rice.

Matatandaan na isa sa paraan ng pamahalaan para maiwasan ang pagpila para sa NFA rice retailers sa mga palengke ay ang ikalat ang suplay hanggang sa supermarkets at groceries.

“’Yung mga requirements na under Presidential Decree No. 4 by law ay hindi naman puwedeng i-relax ‘yun like for example kailangan nating mag-require sa kanila ng lisensya, lahat ng binebentang bigas whether it’s NFA or not kailangan may lisensya, so ‘yun ang ni-require natin sa kanila,” pahayag ni Estoperez.

Comments are closed.