SUPERMARKETS SINIGURO NA MAYROONG NFA RICE

NFA RICE3

NANGAKO ang Philippine Amalgamated Supermarkets Association (PAGASA) na sisiguruhin nila na ang subsidized rice mula sa National Food Authority (NFA) ay magiging laan sa mga supermarket sa buong bansa.

Ito ay dahil sa kompiyansa ang PAGASA na ang rice tariffication policy ng gobyerno ay magreresulta sa pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado.

“We assure that cheap rice will be available in the market. Rice tariffication will also help achieve this,” lahad ni PAGASA Pres-ident Steven Cua sa isang panayam.

Inudyuka niya ang gob­yerno na bilisan ang pag-isyu ng permit sa mga supermarket para sila ay makapagbenta ng NFA rice sa kanilang mga customer.

“Some of our member supermarkets are not selling subsidized rice because they need a permit from the NFA,” sabi pa ni Cua.

Pumirma ang PAGASA ng memorandum of agreement (MOA) noong Setyembre sa Department of Trade and Industry (DTI) at NFA para payagan ang distribusyon at pagbebenta ng subsidized rice sa mga supermarket sa buong bansa.

Puwedeng bumili ang mga konsyumer ng hanggang dalawang bag o apat na kilo ng NFA rice sa mga  participating supermarket sa halagang PHP 27 bawat kilo.

Bukod pa rito, sinabi ni Cua na makatutulong ang rice tariffication para masiguro ang malawak na availabi­lity ng abot-kayang bigas sa merkado para sa mga kons­yumer.

“The rice prices will depend on the quality of supply that will be imported in the country,” sabi niya.

Nauna nang siniguro ng National Economic and Development Authority(NEDA) na magiging laan pa rin ang subsidized NFA rice sa  merkado hanggang sa katapusan ng taon habang ang mga konsyumer ay nakikinabang sa mas mababang imported rice sa pagpasa ng rice tariffication law.

May mandato ang NFA na siguruhin na sapat ang supply ng bigas sa bansa.

Pinirmahan ni President Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11203 noong Pebrero na nagpapalawak ng pag-angkat ng bigas sa bansa sa pamamagitan ng pag-aalis ng quantitative restrictions at pagpapalit dito ng tariffs.       PNA

Comments are closed.