SUPLAY NG ALCOHOL, FACE MASKS STABLE- DTI

ALCOHOL-FACEMASK

TUMATAG na ang supply and demand situation para sa alcohol at face masks, ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez.

Sinabi ni Lopez na may  available na ngayong supplies ng alcohol sa drugstores at supermarkets habang maaari nang dagdagan ng mga retailer ang face masks na kanilang ibebenta kada transaksiyon.

“I was in a drugstore last Sunday after the mall visit, there were many supplies of alcohol. Even face masks, they are now selling by the tens. We are seeing before it was limited to five (per pack),” ani Lopez.

Bumaba na rin, aniya, ang presyo ng surgical face masks kung saan may  ilang retailers na ibinebenta ito sa halagang PHP20 at pababa.

Itinakda ng DTI ang suggested retail price para sa  surgical face masks sa PHP28 kada piraso.

Sa pagsisimula ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) outbreak sa bansa ay nagkaubusan ng alcohol at face masks sa drugstores dahil maraming consumers ang nag-panic buying at ang ilan ay namakyaw para ibenta ito sa mas mataas na presyo.

Para naman sa supply ng pagkain, sinabi ni Lopez na ang production rate ng mga pabrika ay nasa 80 percent hanggang halos 100 percent na ngayon.

“As they operate in almost full capacity, inventory of finished goods is averaging for two weeks and 45 days for raw materials.”

“Supply has been greater than the demand,”dagdag pa niya.

Comments are closed.