TINIYAK ng National Food Authority (NFA) na mayroong sapat na suplay ng bigas sa mga lugar na naapektuhan ng pagputok ng Taal Volcano.
Ayon kay NFA Administrator Judy Carol L. Dansal, bukas din ang lahat ng Operation Centers (OPCEN) ng NFA central at field offices sa loob ng 24-oras.
Bagama’t mayroong deklarasyon ng suspensyon ng pasok sa gobyerno sa Batangas, mayroong skeletal force ang NFA sa ka-nilang field office at warehouse sa lalawigan.
Base sa datos ng NFA, mayroong mga stock ng bigas sa Region 4 na aabot sa 1,930,000 bags; ang NCR ay mayroong 197,000 bags, habang ang Region 3 ay mayroong 1,963,000 bags.
Tiniyak din ni Dansal na ligtas kainin ang NFA rice dahil maayos itong nakaimbak sa warehouses ng NFA at ang mga ware-house nila ay hindi naapektuhan at hindi napasok ng ashfall.
Comments are closed.