SAPAT na ang suplay ng bigas sa bansa sakaling magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari.
Ito ay matapos na mabili ng National Food Authority (NFA) ang aabot sa P14-bilyong halaga ng palay noong nakaraang taon.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, wala ring mandato ang NFA na mag-angkat ng bigas alinsunod sa rice tariffication law, kung kaya’t prayoridad ngayon ang pagbili sa lahat ng naaning palay ng mga magsasaka sa bansa.
Paliwanag pa ni Dar, naging trabaho lamang nila ang pagkakaroon ng buffer stock na gagamitin kung sakaling may emergencies at kalamidad sa bansa sa pamamagi-tan ng pagbili ng mga palay mula sa lokal na magsasaka.