DAPAT na tiyakin ng pamahalaan na sapat ang suplay ng bigas sa bansa.
Ito ang panawagan sa pamahalaan ni Bontoc, Lagawe Bishop Valentin Dimoc, sa pamahalaan bilang pa-ghahanda sa matinding epekto ng El Niño phenomenon sa mga produktong pang-agrikultura.
Ayon kay Dimoc, nagsisimula na ang pagkatuyot ng mga lupang sakahan at inaasahang maaapektuhan nito ang suplay ng bigas. Aniya, dapat paghandaan ito ng National Food Authority (NFA) upang hindi magkaroon ng kakapusan ng bigas sa bansa.
“Rice fields are drying up. By June and onwards, people need rice. Kung relief ay pang one or two weeks lamang, NFA should have enough cheap rice supply,” ani Dimoc, sa panayam ng church-run Ra-dio Veritas.
“The preparation needed by government is for NFA to have enough rice when people buy from them in bulk. Kahit wala El Niño ay puro ubos yung NFA box ng mga retailers or stores,” dagdag ng Obispo.
Batay sa datos ng Disaster Risk Reduction and Management Operations Center ng Department of Agri-culture, umaabot na sa higit P5-bilyon ang napinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa matinding init ng panahon.
Sa naturang halaga, halos P3 bilyon ang nasirang pananim ng palay habang tumaas naman sa P2.36 bilyon ang nasirang pana-nim na mais.
Sa kabuuang ulat ng ahensya, umabot na sa 276, 568 Metriko Toneladang pananim ang nasira sa higit 177 libong ektaryang lu-pang sakahan sa buong bansa habang nasa 164, 672 na mga magsasaka ang naapektuhan.
Samantala, tiniyak naman ni Dimoc na bagamat hindi kayang gampanan ng Simbahan ang mga manda-tong nakaatas sa ilang ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa kakulangan ng pagkain ay nakahan-da naman silang tumulong, sa pangunguna ng mga social action centers ng mga parokya, sa pagbigay-ayuda sa apektadong mamamayan. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.