SUPLAY NG DROGA BUMABA SA COVID-19 CHECKPOINTS

CAGAYAN-NANINIWALA ang pamunuan ng PDEA region-2 na malaki ang naitulong ng itinalagang COVID-19 checkpoints sa pagbaba ng suplay ng ilegal na droga na dumarating sa lambak ng lalawigang ito na ang halos linggo-linggo na may nakukumpiskang bulto bultong pinatuyong marijuana bricks mula sa Kalinga Province.

Sa nakuhang impormasyon mula kay Regional Director Joel Plaza ng PDEA Region 2, karamihan umano sa mga suplay ng iligal na droga ay nagmumula pa sa Metro Manila at kalimitan ay galing naman sa Kalinga Province ang mga marijuana.

At upang maiwasan din na maging smuggling site ang buong rehiyon ng shabu na papasok sa bansa, kaya naman nagtalaga Ang PDEA ng coast watch sa mga coastal areas ng kanilang nasasakupan.

Nakikipag-ugnayan din sila sa mga mainland parcel services at nagsasagawa ng regular na K9 sweeping upang matiyak na walang naipupuslit na iligal na droga gayundin sa mga airport sa rehiyong dos.

Samantala, tuloy-tuloy din ang closed coordination sa mga ahensiya sa CAR para sa agarang pagdakip sa mga nagpupuslit ng marijuana galing sa naturang rehiyon.

Dahil dito, sinabi pa ni PDEA RD Plaza, hanggang sa kasalukuyan ay wala pa umanong namomonitor na malaking illegal drug group ang kanilang ahensiya sa Region 2 at karamihan sa mga sangkot sa ganitong aktibidad ay mga indibidwal at hindi na organisado. IRENE GONZALES

4 thoughts on “SUPLAY NG DROGA BUMABA SA COVID-19 CHECKPOINTS”

  1. 523074 477368Soon after study a handful of the content material in your internet site now, and that i genuinely such as your method of blogging. I bookmarked it to my bookmark web website list and are checking back soon. Pls appear into my site as properly and tell me what you believe. 574042

  2. 711423 291956The truth is and see if the Hcg diet protocol and as a consequence HCG Drops certainly are a in fact quick approach to be able to shed pounds; even though the healthy diet has a strong will most likely moreover sizable focus to undertake positive. hcg diet drops 352859

Comments are closed.