SUPLAY NG GULAY KAPOS NA, PAGSIPA PA NG PRESYO IBINABALA NG DA

Gulay at Prutas

POSIBLENG sumipa pa ang presyo ng gulay sa mga pamilihan sa mga susunod na buwan.

Ito ang ibinabala ng Department of Agriculture (DA) kasunod ng pagsisiwalat na kinakapos na ng suplay ng gulay sa bansa.

Ayon sa DA, aabot sa mahigit 1.6 milyong metriko toneladang gulay ang tinatayang local vegetable production para sa taong ito

Nasa 20,000 metriko toneladang gulay naman ang inaasahan ng ahensiya na aangkatin ng bansa.

Sa kabuuan, aabot sa mahigit 1.7 milyong metriko tonelada ang suplay ng gulay sa buong bansa,

Nangangahulugan ito na mayroon pang 434,840 metriko tonelada ang kakulangan sa suplay ng gulay sa bansa sa kasalukuyan.        DWIZ 882

Comments are closed.