WALANG inaasahang rotational brownouts ang Department of Energy (DOE) sa papalapit na summer.
Ayon kay Energy Undersecretary Rowena Cristina Guevarra, tinatayang sapat ang suplay ng koryente para sa tag-init sa kabila ng manipis na reserves.
“Wala tayong nakikitang ganyang klaseng sitwasyon. Ang meron lang tayo ay posible na yellow alerts dito sa Luzon at tsaka sa Visayas, pero hindi brownouts,” pahayag ni Guevarra sa isang press briefing.
Noong Enero ay sinabi ng DOE na ang Luzon Grid ay inaasahang isasailalim sa yellow alert sa week 11 ng taon sa March, weeks 13 at 17 sa April, lahat ng linggo ng May, weeks 22 at 23 sa June, week 35 sa September, week 42 sa October, at week 47 sa November.
Sinabi ni Guevarra na nakipag-ugnayan na ang DOE sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para masiguro na hindi magkakaroon ng maintenance shutdowns sa summer.