TINIYAK ni Energy Secretary Alfonso Cusi na makaaasa ang publiko na walang magaganap na power interruption sa Mayo 14, araw ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Sinabi ni Cusi na may sapat na suplay ng kuryente sa nasabing araw.
Nakapaglatag na ng contingency ang DOE matapos ang pakikipagpulong sa task force on energy resiliency.
Samantala, nakatakda namang magkaroon ng pulong ang energy team at Commission on Elections para mapaghandaan ang nalalapit na araw ng halalan.
Comments are closed.