SUPLAY NG MANOK, BIGAS SAPAT TINIYAK NG DA

BIGAS-MANOK

MAY sapat na suplay ng manok at bigas ang bansa, pagtitiyak ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, halos 100 araw pa tatagal ang suplay ng manok.

Ipinabatid ni Dar na sapat din ang suplay ng bigas sa bansa hanggang matapos ang taong ito.

“Rice, we have enough inventory. Ang datos natin, 92 to 97 days by the end of the year, meaning, we have more than enough,” sabi ni Dar.

Samantala, mas malaki naman, aniya, ang imbentaryo ng baboy ngayong taon dahil sa African Swine Fever.

“Mayroon pa rin tayong problema sa ASF, pero ang imbentaryo natin ngayon, base rin doon sa mga cold storages din, ay mas malaki ang imbentaryo this year than last year, kasi, ‘yun nga, matumal nga ang business. Halos kasya, mayroong kaunting tight-ness on the supply,” anang kalihim.

Sinabi pa ni Dar na tututukan nila ang presyuhan ng baboy at manok, lalo na ngayong papalapit na ang Christmas season para hindi magkaroon ng food inflation.     DWIZ 882

Comments are closed.