SUPLAY NG PAGKAIN SAPAT HANGGANG SA KATAPUSAN NG TAON – DA

Department of Agriculture-2

TINIYAK kahapon ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng pagkain sa bansa hanggang sa katapusan ng taon.

Sa isang virtual presser, sinabi ni DA Undersecretary Ariel Cayanan, na kinatawan ang ahensiya sa weekly discussion ng mga tanggapan sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), na may tuloy-tuloy na produksiyon ng pagkain at price stability sa merkado.

“Bagama’t dinaanan po tayo ng malalakas na bagyo noong Oktubre at Nobyembre, sapat po ang supply natin,” wika ni Ca­yanan.

Nagprisinta si Cayanan ng datos mula sa Rice Supply Outlook na nagpapakita ng projection na ang suplay pagkain sa bansa ay tatagal ng mahigit sa 80 araw o halos tatlong buwan matapos ang 2020.

“May 85 to 88 days pa po tayo pag [tapos] nitong taon na itowhich is good kasi nagsisimula na ang dry season [season for planting], aani na po tayo sa katapusan ng Pebrero,” ani Cayanan

Samantala, sa Broiler Supply Outlook ng DA ay may 86-day forecast ng suplay ng poultry products na tatagal hanggang matapos ang 2020.

“Manageable po ang supply, maitatawid tayo,” sabi ni Cayanan.

Nagpakita naman ang fishery sector ng low output dahil sa closed fishing season subalit sa pinakahuling datos ay walang negative projection sa fish supply.

Dagdag pa ni Cayanan, sumipa ang presyo ng ilang gulay dahil sa mababang suplay makaraang salantain ng mga nagdaang bagyo ang mga pananim. PNA

Comments are closed.