SUPLAY NG PORK PRODUCTS SAPAT

Pork

NANANATILING sapat ang suplay ng mga pork product sa bansa.

Ito ang pagsisiguro ng Department of Agriculture (DA) sa kabila ng pagtama ng African Swine Fever (ASF) sa hog industry ng bansa.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Ariel Ca­yanan, sa 12.8 milyong  baboy ay 237,000 lamang ang naapektuhan ng sakit mula pa noong Marso 2.

Napag-alamang ang mga pinatay na baboy na tinamaan ng ASF ay maliit lamang na porsiyento sa suplay ng baboy sa bansa.

Sinabi ni Cayanan na hanggang anim na buwan aabutin ang suplay ng karne ng baboy sa bansa.

Kamakailan lamang ay inamin ni DA Secretary William Dar na umaabot na sa P80 bilyon ang pagkalugi sa industriya ng babuyan sa buong bansa. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.