SA paghahatid ng tubig sa mga nasasakupan ng Manila Water lalo na sa mga matataas na lugar ay nananatiling isang malaking hamon para sa kumpanya lalo na sa Lungsod ng Quezon. Ang topograpiya ng Lungsod ng Quezon ay masasabing rolling terrain kaya ang suplay ng tubig ay nananatiling hindi tuloytuloy maski na sa ground floor level. Ang mga sumusunod na mga barangay ay nakararanas lamang ng suplay ng tubig ng mahigit kumulang na walong oras kada araw: Pasong Tamo, Pingkian, Teacher’s Village, Matandang Balara, Pinyahan at Central.
Mula noong nagka-problema sa suplay ng tubig noong buwan ng Marso, ang East Zone concessionaire na Manila Water ay nag-implementa na ng ilang mga teknikal na solusyon upang matugunan ang paghahatid ng tubig sa mga kostumer nito. Kung may tubig na ang mga kabahayan sa mga mas mabababang lugar, ang pagtulak ng tubig sa mga matataas at malalayong lugar ay nananatiling malaking hamon. Isang integrated distribution network ang kailangan upang maihatid ng patas ang suplay ng tubig para sa mga kostumer.
Sa mga matataas na lugar o rolling terrains, naglagay ang Manila Water ng mga line booster at pumps upang maipahatid nito ang suplay ng tubig sa mga lugar kung saan ito kailangan na kailangan. Sa Lungsod ng Quezon, mahigit sampung line boosters na ang nailagay ng Manila Water kasabay ng looping at installation ng mga karagdagang linya ng tubig para mas maihatid ang tubig lalo na sa mga lugar ng Teacher’s Village, Pinyahan at Central.
Kinakailangan ding regular na gawin ang throttling ng mga balbula at bantayan mabuti ang mga adjustment para masiguradong makararating ang tubig sa lahat ng kostumer ng Manila Water lalong-lalo na sa mga matataas na lugar ng mga nasabing barangay.
Isa sa mga malaking intervention ay ang palaging pag-refill ng 20 million liters ng Luzon reservoir na nagbibigay ng tubig sa mga matataas na lugar sa Lungsod ng Quezon kasama ang mga sumusunod na mga barangay: Matandang Balara, Pingkian at Pasong Tamo. May kaakibat na isang line booster sa reservoir na ito kung saan tumutulong ma- punuan nito ang nasabing pasilidad. Ang kombinasyon nitong mga teknikal na solusyon ay ang sanhi kung bakit mas nagkakatubig na ng mahabang oras.
Mula Mayo 23, 99% na ng mga kostomer ng Manila Water ang nakararanas na ng tubig ng mahigit kumulang 8 oras kada araw na suplay sa ground floor level na may regulatory standard na 7 psi (pounds per square inch). Nagawa ring mabawasan ng Manila Water ang pagkukulang sa suplay ng tubig sa konsesyonaryo nito mula 150 million liters per day (MLD) na ngayo’y 43 MLD na lamang. Ito ay resulta ng supply augmentation programs kung saan 50 to 56 MLD ay nagmu- mula sa Cardona Water Treat- ment Plant sa Rizal, 32-34 MLD mula sa mga muling pinagana at inayos na mga deepwell at 20 MLD mula sa cross border flows.