SUPLAY, PRESYO NG FACE MASK TUMATAG

Face Mask

TUMATAG ang suplay at presyo ng face masks makaraang dagdagan ng local manufacturing companies ang kanilang produksiyon upang matugunan ang pangangailangan, ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez.

Sa isang radio interview ay sinabi ni Lopez na ang mga local manufacturer ay nakagagawa na ngayon  ng hanggang 55 million face masks kada buwan mula sa 1 million sa pagsisimula ng pandemya.

“Mayroon  na ho tayong increased capacity niyan. Nandoon na kayo sa level na ‘yon, sa capacity na ‘yon…Nag-stabilize na rin ‘yan,” ani Lopez.

Bumaba na rin, aniya, ang presyo ng face mask, kung saan may ilang nagbebenta nito ng P10 at pababa dahil sa sapat na suplay. Noong may shortage, ang suggested retail price ng face mask ay umabot sa P28.

Comments are closed.