SUPORTA NG AFP PARA SA SONA SECURITY KASADO NA

afp

CAMP AGUINALDO – NAKAHANDA ang Armed For­ces of the Philippines (AFP)  Joint Task Force National Capital Region para tumulong sa pagbibigay ng mas mahigpit na seguridad kaugnay sa gagawing ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22.

Ayon kay AFP JTF NCR Spokesperson 1st Lt. Arrianne Bichara may ide-deploy silang tropa na direktang susuporta sa mga pulis mula sa National Capital Region Police Office at Presidential Security Group para bantayan ang kilos ng mga sasali sa rally.

Tiniyak ni Bichara na tutulungan ng mga sundalo ang mga pulis sa pag-monitor ng galaw lalo na ng mga Anti-government organization para hindi makaubra ang mga ito.

Sinabi ni Bichara na wala pang pangangailan para magtaas ng alerto ang AFP JTF NCR, nakadepende aniya ito sa utos ng kanilang higher office.

Subalit siniguro ng opisyal na palaging handa ang buong hanay ng AFP para protektahan ang estado at mga Filipino. REA SARMIENTO