NAGKASUNDO ang Philippine Sports Commission (PSC) at ang Philippine Olympic Committee (POC) na hingin ang suporta ng local government units sa paghahanda ng Team Philippines para sa 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Vietnam sa Nobyembre.
May misyong madepensahan ang korona o matamo ang top-three finish sa panahong ito ng global health crisis, ang national team ay nahaharap sa matinding hamon.
Sinimulan ni POC President Congressman Abraham Tolentino ang pagpupulong sa pamamagitan ng katanungan sa budget, “What if the 200 million allocated budget fall short?”
Kalahati ng tinatayang magagastos sa kampanya ng bansa ay mapupunta sa aktuwal na paglahok ng halos 700-man delegation.
Kasunod ng diskusyon ay nagkasundo ang grupo na pormal na hilingin ang tulong ng LGUs na nakahandang maging “ninong” ng mga koponan at isponsoran ang ilang aspeto ng kanilang pagsasanay tulad ng venue, meals, at billeting.
“Baka may gusto magninong muna sa ating mga atletea, we are very open to this,” wika ni PSC Commissioner Ramon Fernandez, na siya ring Chef de Mission sa SEAG.
Pinaalalahanan naman ni Tolentino ang grupo na mahalagang makipag-ugnayanan sa Department of the Interior and Local Government para magpalabas ito ng direktiba sa “godfather-LGU program.”
Nangako rin siyang iisponsoran ang cycling at skateboarding sa kanyang distrito.
“The joint secretariat for the SEAG are carefully working on the SEAG plan,” paliwanag ni Fernandez, at binigyang-diin ang epekto ng pandemya sa pagsasagawa ng nakasanayang full trainings ng nationals.
Target masimulan sa Hulyo 1 ang training, sinabi ni Fernandez na may panahon pa para makausap ang LGUs.
Kasama nina Tolentino at Fernandez sa miting sina POC Secretary-General Atty. Edwin Gastanes, POC Deputy Secretary-General Karen Caballero, PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy, Jr., PSC Deputy Executive Directors Queenie Evangelista at Merlita Ibay at PSC National Training Director Marc Velasco. CLYDE MARIANO
6082 551225An intriguing discussion is worth comment. Im positive that you just write regarding this topic, could possibly not be considered a taboo topic but typically persons are too little to communicate on such topics. To one more. Cheers 669843
89150 621935I see something really special in this internet internet site . 673577
607643 934021Some truly good and utilitarian details on this internet internet site , likewise I feel the style and style holds wonderful functions. 302498
241436 877733Normally I dont learn post on blogs, nonetheless I wish to say that this write-up really pressured me to try and do it! Your writing taste has been surprised me. Thank you, quite fantastic write-up. 385047
498446 929924Its like you read my mind! You appear to know a great deal about this, like you wrote the book in it or something. I think which you could do with a couple of pics to drive the message home a bit, but other than that, this is amazing weblog. An excellent read. Ill surely be back. 691216