Lalo pang tumitindi ang pagtitiwala at suporta ng mga Navoteno kay Cong. John Rey Tiangco na tumatakbong Alkalde ng lungsod habang papalapit ang lokal na eleksyon.
Pinatunayan ito ng pinakahuling resulta ng “Boses ng Bayan: NCR 2022” survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) mula April 17-21, 2022. Umabot na sa 88% ang boto na natanggap ni Cong. Tiangco habang malayong-malayo naman ang kanyang karibal na si RC Cruz na nakakuha lamang ng 9%.
Noong Enero 22-30, 2022 na survey ng RPMD, nakapagtala ng 83% si Cong. Tiangco mula sa 80% noong Disyembre 16-23, 2021 at 75% noong October 17-26, 2021.
Ang non-commissioned RPMD poll ay sumasaklaw sa 16 na lungsod at isang munisipalidad sa National Capital Region (NCR).
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 10,000 respondents na random na pinili mula sa 7,322,361 registered voters sa iba’t ibang lugar ng Metro Manila. Ito ay may margin of error mula 2.5% hanggang 3% para sa malalaking lungsod habang ang margin of error para sa maliliit na local government units na may 850 respondents ay 3.36%. ANB