SUPORTA NG US-ASEAN BUSINESS COUNCIL HINILING NG KAMARA PARA SA MGA  PROGRAMA NG DUTERTE ADMIN

Rep-Martin-Romualdez

UMAPELA  ng suporta si House Majority Leader Martin Romualdez mula sa mga miyembro ng US-ASEAN Business Council para sa mga programa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasabay nito ang pagtiyak ni Romualdez sa mga senior business executive na maiging tinatrabaho ng Kamara at ng Pangulo ang mga reporma para mas makahikayat ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.

Sa joint virtual meeting sa pagitan ng mga myembro ng US-ASEAN Business Council 2020 Virtual Philippines Business Mission, sinabi ni Romualdez na ginagawa ng mga mambabatas ang lahat ng kaparaanan para mapadali ang ‘ease of doing business’ at magkaroon ng kaaya-ayang business environment tungo sa mabilis na economic growth.

Dito ay inihayag din ng kongresista na suportado nila ang plano ng Pangulo at nakahanda rin sila sa Kongreso na aprubahan ang mga legislative measure na isinusulong ng Presidente.

Nanawagan din si Romualdez ng suporta sa business council para sa pagpapatuloy na maging katuwang sila sa recovery efforts at nation-building sa gitna ng kinakaharap na pandemya sa COVID-19.

Ilan sa legislative measures na maaaring aralin at suportahan ng mga business executive ang Bayanihan to Recover as One, pagtatatag ng Medical Reserve Corps at National Disease Prevention and Management Authority, P4.5 Trillion 2021 General Appropriations Bill, Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE), Financial Institutions Strategic Transfer Act (FIST), at iba pang panukala na may malaking impact sa business community. CONDE BATAC

Comments are closed.