MARAMI ang magagaling na manunulat at ilustrador mula rito sa ating bansa, at mayroon din tayong napakayamang koleksyon ng mga librong inilimbag dito. Sa ika-anim na taon ay sumali ang National Book Development Board (NBDB) sa Frankfurter Burchmesse (Frankfurt Book Fair) mula ika-20 hanggang ika-24 ng Oktubre 2021 upang maibahagi ang 100 napiling mga titulo o mga aklat sa pandaigdigang merkado. Itinatanghal sa book fair na ito ang libo-libong publishers, at kanilang mga aklat syempre, mula sa iba’t-ibang sulok ng daigdig.
Ang pagkakataong mailimbag sa labas ng Pilipinas ay isa sa mga inaasahan ng ating delegasyon mula sa pagsali natin sa nasabing festival. Bukod pa rito, mga oportunidad hindi lamang para sa ating mga manunulat, ilustrador, at publisher na kasama sa 100 librong itinampok sa book fair kundi pati na rin sa buong publishing industry ng bansa.
Hindi lingid sa atin na, kagaya ng iba pang industriya, apektado ng pandemya ang publishing at printing industry dito sa atin. Mababa na nga ang demand para sa mga aklat bago pa man manalasa ang COVID-19, lalo pa itong bumaba dahil sa pandemya.
Mas gusto ng mas maraming Pinoy na mambabasa ang mga libro at manunulat na banyaga—iyan ay ayon sa datos. Apektado ng pagbagsak ng benta ng libro ang ating mga manunulat, imprenta, publisher, at ang iba pang industriyang kasama sa value chain.
Dahil nagsara ang mga paaralan at ilang mga tindahan at nanatili sa kanilang mga bahay ang mga tao, ang physical network para sa pagbebenta ng mga aklat ay nawala rin. Kasama rito ang mga bookstore, festival, local book fair, at iba pa.
Kaya’t napapanahon ang pagsali natin sa Frankfurt Book Fair. Mainam din kung makakasali ang Pilipinas sa iba pang mga international book fair sa ibang bansa sa mga darating pang panahon. Isang agresibong marketing strategy ang kailangan upang makapasok sa international market ang ating mga aklat. Malaking tulong ito para sa mga local publisher, manunulat, at iba pang stakeholder upang unti-unting makabawi sa pagkalugi nang dahil sa pandemya.
(Itutuloy…)
172759 904809I think other web site proprietors ought to take this web site as an model, really clean and superb user genial style . 964964
75906 529243I gotta favorite this internet site it seems handy . 518859
80535 177932As I internet internet site possessor I believe the content matter here is rattling great , appreciate it for your efforts. You ought to maintain it up forever! Excellent Luck. 957485