SUPORTA PARA SA LUMILIKHA NG MGA AKLAT

(Pagpapatuloy…)
Maraming oportunidad ang inihahain ng teknolohiya para sa mga publisher at printer, kasama na rin ang iba pang kaugnay na industriya.

Ang mga oportunidad sa new media (kagaya ng digital books, audio books, atbp.) at mga ambag ng teknolohiya (non-fungible tokens, e-commercie, social media platforms, atbp.) ay ilan lamang sa mga ito. Marami mang pagsubok na dala-dala ang pandemya, totoo rin namang marami itong binuksan at patuloy na binubuksang mga pagkakataon para sa atin dahil na rin sa mga paraang ginagawa natin upang makasabay sa mga pagbabago.

Naaprubahan na sa third (huling) reading sa Kongreso ang House Bill 10107 o ang Philippine Creative Industries Development Bill. Mahaba pa ang tatahakin bago tuluyang maisabatas ngunit isa itong mahalagang milestone. Layunin ng panukalang batas na ito na tugunan ang mga pangangailangan ng creative economy sa bansa. Ang publishing industry, mga manunulat at ilustrador, imprenta, at iba pang kaugnay na mga industriya ay stakeholder sa tinatawag na creative economy.

Hindi rito nagtatapos ang lahat. Marami pa tayong pwedeng gawin para sa ating mga manunulat, ilustrador, publisher, at printer—kasama na riyan ang mga maliliit na publisher at printer (indie, small press), yaong mga publisher na nasa labas ng NCR (regional press), at iba pang sektor sa value chain na wala o maliit lamang ang representasyon.

7.4% ang ambag ng creative economy sa GDP ng bansa noong 2014. Siguradong tataas pa ito nang husto ngayong nagbabago ang mga work arrangement at work platform dahil sa pandemya.

Dahil dito, ang mga sektor na kabilang sa creative economy ay kinakailangang bigyan ng lubos na suporta ng mga pampubliko at pribadong sektor.

Comments are closed.