SUPORTA SA BORACAY MSMEs

NAGLATAG ang Department of Trade and Industry (DTI) ng mga programa at proyekto para tulungan ang mga residente ng  Boracay, lalo na ang micro, small, and medium entrepreneurs (MSMEs), matapos isara ang isla noong Abril 26.

“We had taken ­measures and interventions to assess and address the needs of the residents, especially our micro entrepreneurs and local workers, even before the actual closure of the island,” wika ni DTI Secretary Ramon Lopez.

Sinimulan ng DTI ang mga serye ng konsultasyon noong nakaraang Abril 3 sa mga provincial at local go­vernment unit, gayundin sa business counselors, at nagsagawa ng surveys sa local business owners at workers sa Boracay.

Ang mga respondent ay humingi ng tulong sa online marketing, nag-access ng mga bagong merkado para sa kanilang mga produkto, at umayuda sa paglilipat ng kanilang mga negosyo. Iba’t ibang skills training tulad ng cooking, baking, food processing, at ­handling ang isinagawa rin. Ilang respondents ang nagtanong din hinggil sa loan programs at financial assistance ng gobyerno.

Nitong Abril 23-28, ang DTI ay lumahok sa Aklan Piña atd Fiber Festival sa pagsasagawa ng trade fair sa Provincial Capitol Grounds ng Kalibo,  na tinampukan ng mga produkto ng MSMEs na naapektuhan ng pagsasara ng Boracay.

Ang trade fair ay nilahukan ng 121 exhibitors na binubuo ng 104 MSMEs at 17 local government units One Town, One Product (OTOP). Ang trade fair ay nakabenta ng kabuuang  P15.206 million, na sumasakop sa P1.564 ­milyong halaga ng cash sales at P13.642-M halaga ng booked orders.

Comments are closed.