SINIGURO ng Philippine Coconut Authority (PCA) na mabibigyan ng ayuda o suporta ang hanay ng mga magsasakang nagtatanim ng niyog na apektado ng El Niño.
Ayon kay Emily Lobos, project development officer ng PCA-Bicol, tuloy-tuloy ang monitoring ng ahensiya sa mga maaapektuhang pananim.
Aniya, inihahanda na rin nila ang mga ibibigay na ayuda sa bawat coconut farmer.
Idinagdag pa ni Lobos na pinakaapektado ng tagtuyot sa rehiyon ang lalawigan ng Masbate na tatlong buwan nang hindi nakararanas ng mga pag-ulan.
Nilinaw rin ng opisyal na may nakalaang pondo para sa coconut seedlings, fertilizer, at maging sa incentives sa mga apektadong coco farmer.
Samantala, bukod sa pagkamatay ng mga pananim na niyog ay mahigpit ding binabantayan ang pagdami ng mga peste na tipikal na umaatake tuwing mainit ang panahon. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.