SUPORTA SA FIBA WORLD CUP HOSTING, GILAS HILING NI EALA SA MGA PINOY

SUPORTADO ni newly-appointed Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Noli Eala ang hosting ng bansa sa FIBA World Cup sa susunod na taon at hiniling sa basketball-crazy nation na suportahan ang Gilas Pilipinas team na sasabak sa pinakamalaking basketball event.

“I encourage everyone, not just the basketball-loving Filipinos, to support the country’s hosting of the World Cup, which gives so much pride for the Philippines being one of the hosts, and stay behind our very own Gilas Pilipinas team,” sabi ni Eala, na namumuno ngayon sa sports agency ng gobyerno, kapalit ni Butch Ramirez.

Dating PBA Commissioner, na nagsilbi ring Executive Director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ilang taon na ang nakalilipas, si Eala ang project director ng orihinal na Smart Gilas Pilipinas noong 2008. Ang naturang Smart Gilas team ang nagpasimula sa Gilas program na hinahawakan ngayon ni Chot Reyes.

Noong Miyerkoles ay bumisita ang mga opisyal ng SBP sa bagong chairman ng sports agency ng pamahalaan. Kasama ni Eala na sumalubong sa SBP officials si PSC Commissioner at Philippine Sports Hall of Famer Bong Coo.

Nanguna sa courtesy visit ng SBP team sina executive director Sonny Barrios, na siya ring event director para sa FIBA World Cup 2023; Erika Dy, deputy event director; Dickie Bachmann, division chief for operations, local organizing committee; Jude Turcuato, kinatawan ng Smart Communications, na nagsisilbing global partner ng event; Atty. Aga Francisco, SBP legal consultant at chairman ng FIBA legal commission at John Lucas, head of operations, joint management committee, Philippines, FBWC 2023.

CLYDE MARIANO