ISANG grupo ng mga mambabatas, mga dati at kasalukuyang opisyal ng lokal na pamahalaan at mga makataong grupo ang naglunsad ng pagkilos para suportahan ang panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na pagkakaisa at tanggihan ang pulitikal na pagkakawatak-watak upang makamit ang mithiin ng pamahalaang magkaroon ng pag-unlad.
Ang grupo na tinaguriang Kilusan ng Nagkakaisang Pilipino ay lumantad sa publiko sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Marquee Tent, Edsa Shangri la Hotel na dinaluhan nina dating Senate President Vicente Sotto III, Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos na biniyayaan naman ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos.
Kabilang sa mga bumubuo ng grupo sina Rep. Rida Robes ng San Jose del Monte City, Bulcan, Divina Grace Yu ng Zamboanga del Sur, Luisa Lloren Cuaresma ng Nueva Vizcaya, Richard Gomez ng 4th District ng Leyte, Johnny Pimentel ng Surigao del Sur, Toby Tiangco ng Navotas. Rosanna “Ria” Vergara ng Nueva Ecija at Bacolod City mayor Alfredo Abelardo Benitez.
Ani Abalos na siyang tagapagsalita na ang pagbuo ng grupo ay tugon sa panawagan ng Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na pagkakaisa at pagtanggi sa pagkakawatak-watak ng pulitika sa bansa.
“Mariin ang sinabi ni Pangulong Marcos, Jr. na “we are here to repair a house divided…to make it strong again in bayanihan way. Our coming together is our response to the President’s clarion call for unity.
KNP is immediately formed to formalize that movement to solidify (our) platform for cohesive, inclusive and unified action for national economy and sustainable development,” ayon kay Abalos.
Nilinaw naman ng bumubuo ng KNP na hindi ito pagkilos pulitikal kundi isang socio-civic movement na naglalayong abutin ang lahat ng sektor ng lipunan hanggang sa mga katutubo.
Ayon naman kay Rep Robes, “All we want is toe the group to be inclusive and united in pursuit of a better Philippines”.
“Ito po ay tugon sa panawagan ng pangulo –ang magbuo ng isang kilusan at pagalingin ang malalim na hidwaan ng pagkakawatak-watak…Ang kilusan ng Nagkakaisang Pilipino ay isang kilusan, samahan, ugnayan at tagpuan ng lahat ng Pilipinong nagmamahal sa bansa at naghahangad ng tagumpay at pag unlad ng buhay ng bawat Pilipino,” dagdag pa nito.
“What happened today is only the beginning of a bigger plan to expand the organization. Today we are 200. Next month, 2,000…and in the days to come 20,000 to 200,000 to 2 million to twenty (million) and beyond. The growth is exponential until we embody our vision of a truly unified nation.” anang kongresista.
Layunin din ng grupo na makintal sa kaisipan ng marami ang isang pamahalaan ang isang pagbabago.
“We are here to affirm our unwavering and full support to President Ferdinand Marcos jr.—in his call to collectively work for a better Philippines for all Filipinos regardless of political conviction, religion, motivations and creed,” pahayag pa niya.
Sinundan naman ni Nueva Ecija 3rd District Rep. Rosanna Vergara ang naturang panawagan at sinabing ang inilunsad na bagong samahan ay grupong ng nagkakaisang Filipino na naglilingkod para sa mas maunlad na Pilipinas.
“Ito ay para sa lahat at lahat ay kasama—walang iwanan. It is for everyone and everyone is welcome. Magkaiba man ang ating pinaggalingan, and ating mga pananaw—nagkakaisa tayo sa layunin at mithiin,” dagdag nito.