SUPORTA SA PINAS TINIYAK NG BRUNEI

TINIYAK  ni Brunei Sultan Hassanal Bolkia sa sa gobyerno ng Pilipinas ang suporta para mapanatili ang kapayapaan at katatagan ng dalawang bansa.

Sa ginanap na 40th at 41st ASEAN Summit Bilateral Meeting at related summits sa Phonm Penh, Cambodia, kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging papel ng Brunei Sultanate sa usapang pangkapayapaan sa Mindanao sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon pa sa Pangulong Marcos, masaya siya sa pagpapatuloy ng peace process sa kabila ng pagpapalawig ng transition authority sa susunod pang tatlong taon bunsod na rin ng pandemya.

Kaugnay nito, ibinahagi ni Marcos ang pagkakaroon ng parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa taong 2025.

Sa kabila nito, umaasa si Marcos sa mas produktibong autonomous government sa Southern part ng bansa.