NAKAHANDA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tulungan ang microfinance institutions (MFIs) na ma-digitalize upang mapalawak ang serbisyo sa kanayunan.
“Microfinancing plays a huge role in financial inclusion especially in remote areas being the ‘last-mile’ financial institutions,” pahayag ng BSP sa isang statement.
Ang ganitong uri ng financial institution ay nakatutulong para mabawasan ang pagdepende sa informal lending.
“We continue to engage the donor and development communities to encourage the provision of technical and financial assistance for the digitalization initiatives of MFIs,” wika ni BSP Governor Benjamin Diokno sa isang forum sa microfinance firms.
“We are thus working to further ensure MFIs are equally placed alongside big industry players and well-positioned to advance financial inclusion beyond the pandemic,” aniya.
Ayon sa central bank, hanggang first quarter ng 2021 ay mayroong 149 microfinance banks na nagseserbisyo sa 2.05 million borrowers.
Hinikayat ni Diokno ang MFIs na makibahagi sa digital transformation roadmap ng BSP.
Layon ng central bank na ma-convert ang 50 percent ng payments sa digital at mahimok ang 70 percent ng populasyon na magbukas ng bank accounts pagsapit ng 2023.
“Part of the roadmap is the rollout of the Philippine National ID (PhilSys) which will ease bank account openings through online and real-time Know-Your-Customer (KYC) activities and reduced costs,” anang BSP.
Ang microfinancing firms ay maaari rin umanong makipagpartner sa digital banks.
Sa kasalukuyan ay may anim na digital banks na ang nabigyan ng BSP ng lisensiya na mag-operate.
Ang bagong banking framework na ito ay walang physical branches at naglalayong gawing higit na accessible ang pagbubukas ng bank accounts lalo na para sa unbanked.