ILANG modern jeepneys ang nag-o-operate na sa Metro Manila, ayon kay Transport Secretary Jaime Bautista.
Sinabi ni Bautista na ang naturang jeepneys ay gumagamit ng Euro 4 engine at ang ilan ay ginagamit ng mga hotel sa chauffeur tourists.
Isusulong, aniya, ng pamahalaan ang modernization works na isinagawa ng local manufacturers, na lilikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Sa pagtangkilik sa locally-made modern jeepneys ay marami aniyang matutulungan dahil marami itong job opportunities na maibibigay sa mga Pilipino.