NANGAKO ng suporta ang iba’t ibang grupo ng rice millers at importers, gayundin ang Philippine National Police (PNP), upang tiyaking magiging abot-kaya ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.
ay kasunod na pakikipagpulong ng mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) sa pangunguna ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Tiu Laurel sa naturang mga grupo sa pagpapahayag ng kanilang suporta sa inisyatiba ng administrasyong Marcos na maibigay ang mas abot-kayang presyo ng bigas sa mga consumer.
Noong Biyernes ay nagsimula ang pakikipagpulong ng DA sa mga grupo upang talakayin ang mga hakbang para mapababa ang presyo ng bigas sa bansa.
Piinuri ni Tiu Laurel ang rice millers at importers dahil sa kanilang aktibong papel sa pagsuporta sa KADIWA ng Pangulo Rice-for-All rolling stores sa mga palengke sa Metro Manila.
Ang mga KADIWA ng Pangulo Rice-for-All rolling store na nagsimula noong December 21 ay nagbebenta ng well-milled na bigas sa abot-kayang presyo na P40 at P45 per kilo.
Sa ngayon, mayroong 26 KADIWA rolling stores at kiosks ang nagseserbisyo sa mga mamimili sa iba’t ibang palengke at piling istasyon ng MRT at LRT, at planong palawakin pa ito sa mga pangunahing palengke sa National Capital Region (NCR).
Bilang karagdagan sa KADIWA rolling stores at kiosks, 40 KADIWA centers sa NCR at Bulacan ang gumagana rin. Ang mga ito ay regular na nagbibigay ng basic necessities and prime commodities (BNPCs), Rice-for-All at P29 rice para sa mga mahihirap na sektor.
Nagpasalamat din si Tiu Laurel kay Police Major General Rdgar Alan Okubo, acting chief ng PNP Directorial Staff, sa pagtitiyak ng seguridad at maayos na operasyon ng mga KADIWA ng Pangulo .
“Umaasa kami na mas marami pang negosyo ang sasali sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang matugunan ang inflation sa pagkain at matiyak na magiging abot-kaya ito para sa mga Pilipinong mamimili,” sabi ni Tiu Laurel .
“Habang mahigpit na nakikipagtulungan ang DA sa millers at importers upang maibigay ang mas murang option ng bigas, nananatili ang aming adhikain na matulungan ang mga magsasaka ng palay na maitaas ang kanilang ani at mapanatili ang kanilang kita,” dagdag pa niya.
Bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na maibaba ang presyo ng bigas, hinimok ni Tiu Laurel ang mga importer na maglaan ng bahagi ng kanilang imports ng bigas ng 25% broken grain content.
Kalimitan, aniya, na nagpapasok ang mga importer ng iba’t ibang uri ng bigas na may 5% broken gtains, na mas mataas ang presyo sa mga pamilihan.
Ma.Luisa Macabuhay- Garcia