TOKYO, Japan – Suportado ng Japanese business organizations dito ang development agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa kanilang pulong kahapon ay tumanggap ng malakas na suporta si Pangulong Marcos mula sa ilang nangungunang Japanese business organizations na nagpahayag ng kahandaang tumulong sa development agenda ng kanyang administrasyon.
Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta sa mga prayoridad sa pagpapaunlad ng gobyerno ng Pilipinas ay ang mga kinatawan mula sa Japan Chamber of Commerce and Industry (JCCI), SUMITOMO CHEMICAL Co., Ltd., Sompo Holdings, Inc., at Marubeni Corporation.
Sinabi ni Masakazu Tokura, Keidanren chairman at SUMITOMO CHEMICAL Co., Ltd. board chairman, na ang kapansin-pansing pagbabago ng sitwasyon sa buong mundo ay nagtulak sa ugnayan ng Pilipinas at Japan na maging “mas mahalaga kaysa dati.”
“We are very truly honored to have this opportunity to meet with all of you. The Philippines and Japan share a fundamental value of freedom and democracy,” sabi ni Tokura.
Sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati kung paano ang micro, small and medium enterprises ( MSMEs) “nagkaroon ng napakahirap na oras sa panahon ng mga lockdown,” kung saan marami ang nagsisikap na manatiling nakalutang sa gitna ng mga mapanghamong panahon.
Binigyang-diin ng Pangulo na ang tulong ng Japan ay naging “central to our policy, for the recovery and the transformation of the Philippine economy.”
“I think it is the same experience that you have had in Japan as in the Philippines where the [MSMEs] have had a very, very rough time during the lockdowns and many have gone out of business, many have tried their best to stay and support their employees,”,” sabi ng Pangulo.
“Nonetheless, we have made all the efforts that we can possibly do so as to bolster and make a more active… to bring into the new economy even the MSMEs… to include them in our digitalization, to include them in the policy changes that we feel we had to make so to encourage again MSMEs,” dagdag ng Punong ehekutibo.
Ito ang unang pagbisita ni Pangulong Marcos sa Japan bilang Pangulo na naging gabay para lalo pang tumatag ang relasyon ng dalawang bansa, gayundin ang kanilang economic relations.
Bago makipagpulong sa mga Japanese businessmen sa isang luncheon meetig, sinaksihan ni Pangulong Marcos ang paglagda ng 35 Letters of Intent (LOI) sa mga pamumuhunan at kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at mga nangungunang Japanese firms.
Pinasalamatan ni Marcos ang mga kompanya at mga partners nito para “ikonsidera ang Pilipinas bilang isang lugar at bilang isang kasosyo upang mapalago ang mga negosyo sa bansa.”
EVELYN QUIROZ